Kabanata VIII: Number One Fan

93 6 10
                                    

Nakasimangot na mukha ni Ate Maricris ang bumungad sa akin nang buksan ko ang pinto ng kwarto. Malakas ang volume ng dalawang speaker at partida rock ang tugtugin. Kung iaanalisa ko nang mabuti kung bakit ganito ang ekspresyon ng mukha ng kapatid ko, panigurado alam ko na kung bakit.

"Patayin mo nga 'yan!" galit na saad nito sa akin.

Hawak ang doorknob ng pinto ay dahan-dahan kong tinulak pasara ang pinto. "May practice ako." Sabi ko sa kanya.

"Hinaan mo, Tata," segunda pa nito.

"Ate, may audition ako mamaya." Rason ko pa sa kanya ngunit ramdam kong hindi niya ako pakikinggan.

Marahang itinulak ni Ate Maricris ang pinto at humalukipkip ito sa harapan ko. "Bakit? Hindi ka ba makakapag-practice kung mahina ang tugtog? Jusko naman Tata, hindi lang ikaw ang nasa bahay. Mag-isip ka naman."

Napatirik ang mga mata ko. Naku naman, heto na naman tayo, mapapasabak na naman sa mahaba-habang pagtatalo. Maldita talaga itong kapatid ko. Bakit ba kasi banal na banal ang tingin sa kanya ng ibang tao? Eh, kung ako ang hahatol sa ugali nito ay paniguradong hindi makakapasa sa pagiging mabait.

"Alam mo Ate kahit ngayon lang maintindihan mo naman sana ako," mahinahong sambit ko sa kanya. May audition ako mamayang 10 o'clock. Ayoko namang mag-audition na badtrip baka malasin pa ako at hindi makapasa. Minabuti ko pa naman ang pagpili ng kantang kakantahin mamaya. Alam mo naman, mas maganda na ang isang bagsakan lang at pasok na agad.

Umarko ang kilay ng kapatid ko. "Eh, ako? May trabaho rin akong tinatapos sa kabilang kwarto. Sana maintindihan mo rin ako."

Napahigpit ang hawak ko sa doorknob. Putangina talaga ang kapatid kong ito.

Dahil sa galit ay marahas kong pinatay ang tugtugin. Hanep. Magaling nga sa lahat ng bagay ang kapatid ko pati na rin sa paninira ng araw ay magaling din siya.

Sinuksok ko sa bulsa ng shorts ko ang headset at cellphone ko. Dinampot ko na rin ang wallet ko at kumuha ng isang daan pambili ng isang kaha ng yosi. Kailangan kong lumabas sa bahay ng demonyo ora mismo. Baka kung ano pa ang magawa ko at hindi na ako makapagtimpi.

Padabog akong lumabas ng bahay hawak-hawak ang gitara. Hindi na ako nag-aksaya ng panahon upang magpalit ng damit. Suot ang pink na short na hanggang hita ang haba at fitted na puting sando aba't wala na akong pakialam kung pagtinginan nila ako.

Pumunta ako ng tindahan at bumili kaagad ng isang kaha ng yosi at lighter. Nagulat pa nga ang lalaking nakasabay ko sa pagbili. Mukhang ngayon pa lang siya nakakita ng babaeng bumibili ng isang kaha ng yosi at mukhang maninigarilyo pa.

Kumuha ako ng isang stick ng Marlboro at kaagad itong sinindihan. Nilagay ko ang binili kong sigarilyo at lighter sa loob ng isa ko pang bulsa. Habang naglalakad ako papuntang bakanteng lote ay panay ang hithit-buga ko sa aking sigarilyo. Nang matanaw ko na ang bakanteng lote ay napangiti ako. Tamang-tama at walang mga tambay. Makakapag-practice na ako na walang mangingialam na kampon ng kadiliman.

Nagpasya akong Black Moon ng Black Sabbath ang kakantahin ko. Okay naman at keri naman ang kanta. Mukhang ito ang magdadala sa akin ng swerte upang mapabilang sa banda nila Joseph. At kung maaari man, sana gabi-gabi may gig ang banda nila para hindi naman ako malunod sa sama ng loob sa bahay. Saka, kung makapag-ipon man ako gusto kong umalis ng bahay. Hindi naman sa maglalayas ulit ako, bubukod lang ako, hindi naman sa umiiwas ako... pero parang gano'n na nga. Umiiwas na parang ewan. Hindi ko mapaliwanag nang maayos.

Napatigil na lamang ako sa pagpra-practice ng mayroong bumusina. Pagkatingin ko ay nakita ko ang sasakyan ni Kuya Jude na nakaparada.

Tangina. Mura ko sa isipan. Bigla akong nataranta nang maalala kong nakaipit sa pagitan ng dalawang daliri ko ang isang stick ng Marlboro. Kaagad ko itong tinapon at tinapak-tapakan pa upang hindi na umusok.

PangalawaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon