Rai 1

18.9K 318 13
                                    

NAPASIMANGOT si Aleya nang marinig sa hindi na niya mabilang kung ilang beses, ang mga babae roon na impit na nagtitilian. Nagsisikuhan ng walang tigil ang mga ito. She rolled her eyes. Hindi ba napapagod ang lalamunan at ngala-ngala ng mga ito sa kakatili? Kung ipis siguro ang tinitilian ng mga ito, maiintindihan niya. Takot din naman siya sa lumilipad na ipis. Ngunit hindi naman ipis ang lalakeng tinitilian at pinapantasya ng mga ito na nasa di kalayuan lamang. She must admit, he was disturbingly handsome. And even sinfully sexier in his black tuxedo. Definitely better than those pictures released in various magazines. Mayroon lamang hindi masyadong nabanggit roon. They didn't mention that his appearance was way too different from his attitude. He is such a bastard for the entire world to know.

"Ouch!" Napasigaw si Aleya nang masiko nang kung sinong mangkukulam ang tiyan niya. Wala pa siyang kain at ito agad ang napala niya. Tumingin sa kanya ang mga babae at inirapan siya.

"Bwisit." Bulong niya. She stormed out of that place and decided to look for her cousin who's probably oogling with Arezmen's handsome successors. Hindi na siya nagtaka. Mukhang nilulubus-lubos na nito ang tatlong araw nila sa lugar na iyon. Afterall it was Al Paradisus they were staying at. Malawak na lupain na iyon na pag-aari ng mga Arezmen. The clan of Arezmen are one of the popular surname in the entire country. Composing of four different families from the son and daughters originally came from Arezmen family. Nasa kagawian ng mga ito na ang malaking bahagi ng Al Paradisus ay maipapamana sa unang anak sa pamilya. Yet still, the property remains open to other members of the family since it was their old home for decades. The huge and utterly beautiful mansion was proudly standing in the center of their whole land. At wala pa siyang ideya kung gaano kalawak iyon. Their mansion and everything else inside was spitting and screaming of wealth and prosperity. She highly doubt it if she can even afford just one pillar of the great mansion.

Pagkapasok niya sa loob ay halos himatayin siya sa pagkamangha. Almost everything she laid her eyes on was shining. She tried her best to close her mouth to stop herself from drooling over how fascinating it is. Pumasok pa sa isip niya na baka wala na siya sa sariling bansa. The heck! Kinailangan pa nga niya ng mapa upang hindi siya maligaw sa loob ng mansion na iyon. Paano pa kaya kapag nag-ikot-ikot siya sa labas?

But no, she can't just let go of this chance. Hindi lahat ng tao ay nakakatapak sa lupang mismong kinatatayuan niya upang masilayan ang gandang ipinagmamalaki ng lugar na iyon. Sa mga magazines lang niya nakita ang ilang litrato ng lugar. Nakakuha agad iyon ng mga atensyon ng mga tao. Lalo na sa balitang ang panganay sa mga Arezmen ay may nag-iisang tagapagmana. And the bottom line? He's still single at his thirties! He was even acknowledged as the Prince of the Arezmen. The heir of the first family in the Arezmen Clan. And of course, most sought bachelor of the country.

He stands out too much. Kalat at talamak din ang halos pare-parehong litrato ng lalake sa internet, at ng mga bagay na tungkol rito. Marami ang humahanga at nag-aasam na makilala ito. Pati na rin ang mga pinsan nito ay tinatarget ng mga kababaihan na makadaupang palad. Because some of these men are still available and just like the latter, are undeniably gorgeous. Ngunit iilan lang ang nagkakaroon ng oportunidad na gaya ng kanya na makapasok roon. Hindi gusto ng mga Arezmen na maraming outsiders ang tumatapak sa lugar nila. They value their privacy so much. And this place, ayon sa kanyang nabasa, ay galing pa sa mga ninuno ng mga ito. Kaya naman overprotective ang mga ito. Minementain nila ang ganda ng lugar. And they even set a very strict security around the place. Masasabi niyang ang lugar na iyon ay solely for the members of the clan.

Naroon lang naman sila ng kanyang pinsan dahil kay Sir Rojin Ceves Arezmen. It was a prize for chosen employees in their chain of companies to have the honor to enter their most prized land for their great and outstanding performance. And only six of these employees were lucky enough to be chosen. Isa na roon ang kanyang ama. Hindi na siya nagtaka noon na napili ito. He was a loving husband and a very hard-working man. Ito kasi ang bread winner sa kanilang pamilya. And the prize given to her father includes bonus and three-day stay in the Al Paradisus with one family member. Sadly, nagkaroon ng lagnat ang kanyang ama dahil sa ilang linggo nang wala halos na pahinga sa trabaho. Ipinaalam nitong hindi ito makakapunta. Sir Rojin was kind enough to let her and her cousin go instead. Sayang naman daw iyon. And he even sent his father fresh fruits and his regards.

When The Prince Says You're MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon