ALEYA tried her best to keep her face passive as she looked at this man in front of her.
"I-encode mo ang lahat ng to. Sort it out too. I want all of it by tomorrow morning."
Kailan pa siya naging secretary nito? Ah oo nga pala. Isang linggo na ang nakakalipas. Tiningnan niya ang inaabot nitong tatlong makakapal na folder. Pinigilan niya ang sariling magtaas ng kilay. Isa lang ang rumehistro agad sa isip niya.
Impakto. Ka. Raiken.
"Of course, Sir." She faked a smile as she turned to him again. "You'll get it by tomorrow morning," mariin na pagkakasabi niya. Padabog na inabot niya ang mga nasa kamay nito. Bakit ba siya idinadamay nito sa pagpapakamatay nito sa trabaho? Hamunin nalang kaya niya ito ng suntukan? Parang mas madali ata iyon e.
"Sir, you might want to let me borrow your laptop to encode all of these." She smiled sardonically at him. Gustung-gusto na niyang sunggaban ng suntok ang lalakeng ito. Punch him to death, but not on the face.
"No need," wika nito. Paano naman niya ma-eencode lahat iyon kung wala siyang laptop? Ginagago ba siya nito? She was about to protest when he snapped his fingers.
"I already bought you one." Pagkasabi palang nito ay lumitaw na sa tabi nito ang sa hula niya ay butler nito. Umaabot na ata sa kisame ang pagkakataas ng kilay niya nang makita ang bagong-bagong laptop na nasa harap niya. Ilang kilo kaya ng gold nito ang ginastos nito para doon? Sigurado ba itong ipapagamit nito iyon sa kanya?
"Sigurado ka bang sa akin mo ipapagamit yan? Ikaw na rin ang nagsabi, 'I'm nothing'. Baka pati kaluluwa ng pamilya ko hingin mo sa akin kapag nasira ko yan." Nagsalubong ang dalawang makapal ngunit natural na nakakorteng kilay nito. Bakit mas maganda pa ata ang kilay nito kaysa sa kanya? Kahit na halatang hindi naman iyon inaayusan.
"I don't care. You can keep it. It's yours anyway."
Nalaglag ang panga ni Aleya sa binitawan nitong salita. Seryoso ba ito sa sinasabi nito? Nakakaduda naman ata.
"Sakin? Bakit ibinibigay mo iyan sa akin?" Itinuro pa niya ang sarili. Hindi kaya naghahaluccinate lang siya? Dalawang ito e. Either nasisiraan na siya ng bait o nilalamon na ng liwanag si Raiken.
"As long as you are living here, I will provide for everything you need in order to serve me. properly. Consider it employee benefits." Ito pa ang nagtikom ng nakaawang na bibig ni Aleya. Bigla siyang inatake ng hiya. Mukha siguro siyang isdang nakanganga kanina. She'll bet half of her life, he's silently laughing his ass off just by looking at her astound face.
"Gerard, give her instructions for her to-dos, today."
Napakunot ang noo ni Aleya. Hindi lang iyon ang gagawin niya? Seryoso ba talaga ang aroganteng lalakeng ito sa pagpapahirap sa buhay niya? Nakapanata na ba sa bato ang life mission nitong ibaon siya sa paghihirap at sama ng loob?
Impakto nga naman talaga!
Sinamantala ni Aleya ang pagkakatalikod nito sa kanya habang nakikipag-usap sa butler nitong nagngangalang Gerard. Kung nakakasaksak lang ang tingin, bumabaha na roon ng dugo.
It's already past three in the afternoon.
Halos kalahati palang ang na-encode niya. Kundi ba naman walang konsensya itong si Raiken, na walang puso pa siyang tinambakan ng trabaho. Makakaganti din talaga siya rito. Maghintay lang talaga ito.
Napapadiin ang bawat tipa niya sa keyboard sa naisip. Napapalakas din ang bawat pindot niya roon. Nanggigil talaga siyang sakalin nalang ang binata.
Impaktong prinsipe!
"You think about me a lot, don't you?"
Natigilan si Aleya sa pamilyar na boses na iyon. Pati na rin ang biglang paglitaw ng isang kamay na itinukod nito sa magkabilang gilid ng mesa niya.
"Impaktong prinsipe, hm?" He added.
Her eyes widened. Paano nito nalaman ang iniisip niya. Lalo pa siyang kinabahan sapagkat ramdam na ramdam niya ang init na nagmumula sa presensiya nito sa likod niya. She was sure as hell his face was just few inches away from her. Hindi tuloy niya alam kung anong gagawin. Hindi siya makakilos at hindi siya makalingon. Lalo pa't nararamdaman niyang halos nasa kaliwang balikat na niya ang mukha ng lalake.
Natuon ang paningin niya sa screen ng kanyang laptop kung saan naroon naka-type at naka-bold pa, ang itinatawag niya rito. Wala sa sariling na-itype pala niya roon ang dalawang salitang ginagamit niya upang tawagin ito.
Oh shit.
Nanginginig ang kamay niyang pinindot ang backspace button. Tumikhim siya upang bawiin ang kaunting lakas ng loob at kapal ng mukha niya.
"Ay! Sira ata tong nabili niyong laptop, Sir. Grabe mag-typographical error!" dahilan niya. Hindi siya nakakuha ng sagot mula rito. "Medyo tanga lang iyong keyboard e." Naiiling pang dagdag niya.
She frozed when his face came closer. Natutukso siyang lumingon pero nasisiraan na siya ng ulo kung gagawin niya iyon. Nanigas siya sa kanyang pwesto at halos hindi na humihinga. She kept her eyes at the screen. Sa kaba niya ay wala sa sariling nakagat niya ang ibabang labi.
"Well then, Aleya, how about you give your impaktong prince a massage in my room, tonight?" She can almost feel his hot breathing against her skin. Napapamura siya sa ginagawa nito sa kanya. Bigla nalang siyang kinabahan nang mag-sink in sa kanya ang sinabi nito. She instantly panicked her ass off.
Massage? Tonight? In his room?
Gago ka ba?!
"M-Massage?" She laughed nervously. "Hindi ako marunong magmasahe, S-Sir."
"Don't make me say it twice." She can sense the playfulness in his voice. She quickly got up from her chair.
"Hindi pwede!" She turned to face the prince, standing proud and tall right before her.
"It's an order. Walang question mark, Aleya," pinal na saad nito bago siya tinalikuran.
"P-Pero magkakasakit ako mamaya!" Palusot niya. Sabagay, pakiramdam nga niya hindi na tatagal ang buhay niya sa pagkademanding nito.
"Delay it, then," aroganteng sagot nito. Tuloy-tuloy itong naglakad palayo sa kanya. "I'll be waiting in my room. Eight pm, sharp." Tumigil ito sa harap ng kanyang pinto. Akala nga niya'y may naiwan pa ito. He then turned around to face her again. His brows almost meeting.
"Don't you dare get lost again." He said before completely leaving her. Saka lang nabitawan ni Aleya ang kanina pa pigil na hininga.
"He's impossible!" She exclaimed out of frustration. Sinasabi ba talaga nito sa kanyang wag siyang magkakamaling maligaw ulit at huwag siyang magkakasakit?
Mapipigilan ba niya iyon? Aba't tagilid ata ang utak nito e!
BINABASA MO ANG
When The Prince Says You're Mine
General FictionHanda ka na bang kumandidato para sa susunod na bigo sa pag-ibig nito? [Al Paradisus Series #1]