Rai 8

7.5K 230 1
                                    

NANGALUMBABA si Duke habang pinagmamasdan si Aleya. "So ano ba talagang role mo dito? Personal assistant? Beautiful scenery?"

Nginitian ni Aleya ang pambobolang iyon ni Duke. Sa ilang beses nilang pagkikita ay hindi kailanman ito sumablay sa pambobola sa kanya. At first, she find him irritating. Ngunit di rin nagtagal ay natutunan niyang sakyan nalang ang trip nito. Kung trip siya nito, hala sige! Pagbigyan!

Afterall, nababawasan kahit paano ang stress niya sa baliw na prinsipeng iyon. May nakakausap naman siya kahit paano sa mansion. Nababawasan na rin ang mga pagkakataong naliligaw siya.

Well, a little.

"Minsan. More often than not...a slave." 

He crinkled his nose at her answer. "Ano bang ginagawa niya sayo? I'd die for a slave like you. That lucky bastard!"

"Thanks Duke, but I'd rather leave this place."

"Why? Everyone likes to be here. And I like this place more now that you're here."

"I can't live with a man who's busy at being a bastard."

"I know. I bet naaawa ka na sakin ngayon. Imagine existing with him since childhood." 

She grinned at him and he did too. Pareho pa silang natawa pagkuwan. Natigilan silang pareho at halos sabay pang napalingon nang marinig nilang tumikhim ng malakas si Raiken. Yep, the oh-so-lucky bastard.

"I am very intrigued at what you're talking about me. How about you share that with me?" Blangko na naman ang mukha nito nang pagmasdan niya.

"Rai, trust me. You don't want to know." Nakakalokong ngumisi pa rito si Duke. Naningkit ang mga mata ni Raiken na pumukol sa kanya.

Bakit siya na naman ang nakita?

"Really? How about you, Aleya? Why don't you tell me what you did in my library."

Nakagat ni Aleya ang ibabang labi nang maalala ang krimeng nagawa niya. Noong isang araw pa niya ginawa yun ah? Bakit ngayon lang nito nalaman? Akala pa naman niya nakalusot na siya! Napatitig siya sa mukha nito at sa mga mata nitong naninigkit na nakapokus sa kanya. Ang maganda at nakakahumaling nitong mga mata ang dahilan kung bakit di siya makaiwas-iwas ng tingin. Bakit ba naaadik siyang makipag-eye to eye rito?

She gritted her teeth when she saw his jaw clenched. Damn it! Why does he have to be so attractive?

Natagpuan nalang ni Aleya ang sariling nasa lugar ng pinangyarihan ng krimen. Nagkalat ang maliliit na piraso ng mga papel. Sa pinto, sa couch, sa upuan, sa book shelves, sa sahig at—napokus ang mga mata niya sa mesang naroon. Nakagat niya ang ibabang labi. Halos hindi na makita ang mesa nitong natatakpan ng sticky notes.

Narinig niyang sumipol si Duke sa likod niya. "Now, that's interesting." 

Lumipat ang tingin ni Aleya sa matangkad na lalakeng nasa gilid niya.

"Aleya, don't test my patience. I'm not very kind."

Napangiwi siya sa ma-awtoridad at nagbabantang tinig nito. Kasalanan naman nito iyon. Aba! Ito dapat ang sinasabihan niya ng 'don't test my patience'. Wag siya nitong hinahamon dahil pumapatol talaga siya!

"What's this?" Narinig niyang utas ni Duke habang tinitingnan isa-isa ang mga sticky note na nakadikit kung saan-saan.

"Jelly bean. Goodbye Philippines. Devil's arena. Spiderman. Shutter."

Kunot-noong tiningnan ito ni Raiken. Lumapit ito kay Duke at kinuha rito ang hawak-hawak nitong mga sticky note. He stared at them and read the random words she wrote. Aba! Napagod din kaya siya doon!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 30, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

When The Prince Says You're MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon