IT was Wednesday, her first day in hell.
"Madam Aleya, ang sabi po ni Senyorito, puntahan nyo daw po siya sa kwarto niya," ani ng babaeng sa tingin niya ay mas bata lang sa kanya ng dalawang taon.
"Aleya nalang. Nakakahiya naman kung tatawagin mo pa akong madam, pareho lang tayong pinagsisilbihan iyong hinayupak nating amo." Nangiti ito sa sinabi niya ngunit umiling din.
"Mabait naman po si Sir kapag kinilala nyo Miss."
Hindi alam ni Aleya kung saan mangingiwi. Iyong sinabi nitomng mabait si Raiken o iyong tinawag pa siyang miss kahit na aliping sagigilid lamang siya ng damuho.
"Saka po ang bilin po sa amin ni Senyorito, asikasuhin namin kayo. Kayo daw ho kasi ang magiging personal assistant niya sa lahat ng bagay."
Tumaas ang kilay ni Aleya. Sa lahat ng bagay? Sobrang personal naman ata yon.
"Talaga? Hayaan mo siya. Aleya nalang para hindi ako masyadong mailang. Magkasingganda lang naman tayo, okay na sa akin ang first name basis. Ano bang pangalan mo?" ]
Natawa ito ng bahagya sa tinuran niya.
"Anji nalang po," nahihiyang wika nito.
"Sige, Anji. Pupuntahan ko na ang impaktong prinsipe ha?" Inilagay niya ang isang daliri sa bibig para iparating ritong sikreto lang ang pagtawag niya kay Raiken ng impakto. Pumihit na siya't umalis para puntahan ang lalake. Ano naman kayang kailangan nito sa kanya? Siguro dapat ngayon palang ay ihanda na niya ang sarili sa anumang pasakit at sakit ng ulo na ibibigay sa kanya ng lalake.
Natigilan siya pagkuwan. Nagpalinga-linga siya sa paligid. Napaisip siya sandali. Di rin nagtagal ay napagtanto na niya kung anong nangyayari. Natampal niya ang sariling noo sa katangahan. Naliligaw na naman siya.
"Bakit ba kasi ang lawak ng bahay na to?!" Frustrated na sabi niya. Normal ba talaga sa mayayaman ang magpatayo ng ganitong klaseng bahay? Parang lagi siyang pumapasok sa isang malaking maze. Ni hindi nga niya alam kung ilan ang kwarto ng bahay na iyon, kung matatawag pa iyong bahay. Papasa nga ata itong Barangay. Barangay na nasa loob ng isang bahay. Kung dito tumitira ang mag-asawang Arezmen kasama ang impaktong anak nila, nagkikita pa ba ang mga ito bago matapos ang buong araw? Nailing-iling siya sa itinatakbo ng isipan. Pumihit siya upang bumalik sa kanyang pinanggalingan ngunit mas lalo siyang naguluhan nang makitang may daan na pakanan at pakaliwa doon. Saan banda ba siya nanggaling?
Oh shit.
"Dapat siguro ihanda ko muna ang sarili kong huwag nang maligaw pa ulit rito," paalala niya sa sarili.
MAG-IISANG oras na ang nakakalipas ay wala pa rin si Aleya. Nasaan na ba ang babaeng 'yon? Kanina pa niya ito ipinatawag ngunit hanggang ngayon ay wala pa rin ni bakas nito. Nag-eroplano pa ba ito papunta sa kwarto niya?
Nagsalita si Raiken sa intercom upang kausapin ang head ng household staff.
"Where's Aleya? Hindi pa siya dumadating magmula kanina," aniya sa malalim na tinig.
Napaisip siya. Hindi kaya naliligaw na ito? O baka tinakasan siya nito? Imposible.
"Tell all the maids to find Ms. Aleya Zaski. Drag her right into my office," saad niya. Tumayo na si Raiken upang maligo. Siguro ay dapat linawin niya ritong hindi dapat siya nito pinaghihintay.
"ANAK NG PUSA!"
"Asan na ba 'ko?" Pagod na ang mga binti ni Aleya kakalakad at kakaikot. Wala na atang katapusan ang paliku-likong dinadaanan niya. Inilibot niya ang paningin sa paligid at nanlalatang napaupo sa gilid. Sumandal siya roon at niyakap ang parehong tuhod.
BINABASA MO ANG
When The Prince Says You're Mine
Fiksi UmumHanda ka na bang kumandidato para sa susunod na bigo sa pag-ibig nito? [Al Paradisus Series #1]