HUMINGA muna si Aleya ng malalim bago kumatok sa malaking pintuan na nasa harap niya. Sa awa ng kalikasan ay nakarating siya matiwasay at hindi naliligaw sa harap ng silid nito. Maraming salamat sa mga kapwa niya taga-silbi ng lintik na prinsipe roon.
Ni hindi pa nga niya natatapos ang ipinapagawa nitong hinihingi na nito kinabukasan, heto na naman siya't susunod sa kapritso nito. Bakit hindi nalang niya ito lunurin sa ilog pasig nang ma-relax na itong habang buhay? Sa dami ng pera nito, bakit hindi nalang ito kumuha ng ekspertong magmamasahe rito. Iyong siguradong magkakabali-bali ang buto-buto nito? Sumo wrestler, mga ganon. Bakit ba kasi siya pa? Out of all people, siya talaga?
Bumukas ang malaking pinto sa harap ni Aleya at bumungad sa kanya ang lalakeng natatakpan lang ng kapirasong puting tuwalya.
Oh shet.
"Stop staring," He said with a scowl. He turned around, leaving her with her mouth open. What the hell! Hindi naman niya ito tinititigan!
Ang feeling!
"Paano makikitaan eh nakatuwalya lang? Eh di sana nagsuot kang pang astronaut. May pagka-abnormal din talaga 'to minsan e," bulong niya bago sumunod at pumasok.
Hindi na siya nag-abalang magpaskil ng maaliwalas na mukha kagaya ng mga tagasilbi nito. Wala siyang pakialam kung mabwisit ito sa pagmumukha niyang nakabusangot na. Mabuti nga iyon at sipain siya nito palabas ng kaharian nito.
Pagkapasok palang ni Aleya ay tumambad na sa kanya ang maaliwalas nitong mini sala. Kahit saan niya ilibot ang paningin ay mas lalo siyang nakukumbinsing hindi normal ang laki nyon para sa isang kwarto lang. Seryoso ba talagang ganito kalaki ang silid nito? Aba'y kasinlaki na ata nyon ang buong bahay nila!
Pumasok siya pinto na sa hula niya ay tulugan nito. Kahit roon ay nagbudburan ang puti at asul na kulay. Nagulat pa nga siyang hindi niya natagpuang makalat iyon. Samantalang normal na sa mga lalake ang makalat ang kwarto kagaya na lamang ni Drew.
Tik.
Her eyes blinked a few times when she heard him snapped his fingers. Nakadapa na pala ang damuho sa kama nitong kasing-abnormal nito sa laki. Dapat na nga talaga siyang masanay na lahat ng bagay roon ay malayo sa mga nakikita niya sa mundong ginagalawan niya. Kahit ang tinaguriang prinsipe roon ay hindi kasingnormal ng mga nakakahalubilo niyang mortal.
"What are you doing? I said stop staring," nakakunot ang noong wika nito.
Luh? Praning.
Hindi nalang siya nagsalita at labag sa kalooban na dinala ng mga paa sa paanan ng kama nito.
"If you're planning to take advantage of me, cut it. I'll make sure you get punished for that." He rested his face on his side.
She grimaced at him. Tiningnan niya ito. Mamasa-masa pa ang buhok nito. Wala pa rin itong pang-itaas. At natatakpan ang ibabang bahagi nito ng puting kumot. Tahimik nalang niyang naidasal na sana'y may pang-ibabang saplot na ito maliban sa lintek na tuwalya nito.
"I can feel you, staring!"
"Utang na loob, wala akong interes sa katawan mo, okay?" naiinis na paglilinaw niya. Muli na naman siyang hinarap nito.
"Yes. I am quiet convinced especially when you're staring at me," He insisted, mockingly. Kinagat ni Aleya ang ibabang labi. Ngali-ngaling ibalot nalang sana niya ito sa tuwalya hanggang sa malagutan ng hininga, ngunit pinigil niya ang sarili. Hindi nga niya mabayaran ang isang pirasong vase nito e. Wala sa oras na maghihimas siya ng malamig na rehas sa naiisip.
Nang ipikit na ng binata ang mga mata at inihiga nang muli ang ulo sa malambot nitong unan ay itinaas ni Aleya ang kanyang kamay upang mapektusan man lang sana ito. Ibinaba din niya iyon at kinalma ang sarili. Umupo siya sa gilid ng kama at iwinisik-wisik ang kamay sa ere. Matalim na titig ang ibinigay niya sa nakapikit na lalake.
BINABASA MO ANG
When The Prince Says You're Mine
General FictionHanda ka na bang kumandidato para sa susunod na bigo sa pag-ibig nito? [Al Paradisus Series #1]