Rai 4

8K 237 1
                                    

BUMADHA ang takot sa mukha ni Nadia nang lumapit ito kay Aleya. Nanginginig pa ang mga kamay nito nang iumang sa kanya ang cellphone nito.

"Ano iyan?" tanong ni Aleya.

"I-I searched for the vase in the i-internet. Iyong binabanggit nilang a-adámas," nanginig pa ng kaunti ang tinig ni Nadia.

Kunot-noong inabot ni Aleya ang cellphone ni Nadia. Ganoon nalang ang pamumutla niya habang binabasa ang bawat salitang nakikita sa screen ng cellphone. Muntik pang dumulas iyon sa palad niya sa sobrang pagkabigla.

Eight point nine. It says there eight point nine.

Hindi naman malabo ang mga mata niya. Tama ang pagkakabasa niya. The adámas' current market value is 8.9 million US dollars. Hindi peso kundi dolyares!

Halos mabuwal si Aleya sa pagkakatayo. Tinulungan siyang maupo ni Nadia sa kanyang kama. Hindi niya alam na ganoon kamahal ang vase na nasira niya! Yes, it does look fancy and old. Pero hindi niya akalaing aabot sa ganoon ang presyo niyon! At talagang sinigawan pa niya ang may-ari!

Napasapo sa noo si Aleya. Dapat siguro magsimula na siyang maghukay at siya na rin ang maglilibing ng buhay sa sarili niya.

"Nadia, sabihin mo nga sakin bakit pa ba ako nabuhay sa mundo?"

"Hindi ko nga rin alam eh," sagot ni Nadia habang nakikitanaw sa screen ng cellphone nito.

Natigilan si Aleya at sinamaan ito ng tingin. Ngumiwi lamang ang ang pinsan sa kanya. Nasa ganoong ayos sila nang may kumatok sa kanilang silid. Hindi pa nagdadalawang oras simula nang makipagsagutan siya kay Raiken at mukhang sinusundo na sila ng kampon ng kamatayan.

Nagkatinginan sila ni Nadia. Bakas ang takot at pangamba sa mukha ng pinsan niya. "Tingin mo posible kayang sa galit ni Sir Raiken, ipamulutan nila tayo sa mga ligaw na baboy ramo rito?"

Mabuti nga sana kung iyon lang ang gagawin ng damuhong iyon. That's the least thing he can do! He might very well do worst!

Tumayo si Aleya kahit tinawag pa siya ng pinsan upang pigilan. Naintindihan naman niya ito at hindi na rin nito maitago ang takot. Aleya slowly and hesitantly opened the door. Hindi niya alam kung relief o mas malaking pangamba ang bumundol sa kanya nang mamataan sa pinto ang namumugto ang mga matang si Lisa. Nakapintura ang takot sa mga mata nito. Ito rin ang kasambahay na tanging naging witness sa katangahan niya.

"M-madam. I-Ipinatatawag p-po ulit kayo ni S-Senyorito." Kitang kita ni Aleya ang panginginig ng pobreng kasambahay. Hindi na niya kailangang magtanong kung anong ikinatatakot nito. Siya man ay nangangamba hindi para sa sarili kundi para sa pamilya.

"Sige. Nasaan ba siya?"

Bumaha ang gulat sa mukha ni Lisa. Biglang lumiwanag ang mga mata nitong kani-kanina lang ay nilulukob ng takot. "S-sasamahan ko po kayo, Madam."


NAG-AALALANG MUKHA ni Nadia ang bumungad sa tabi niya. Tumulong na rin si Aleya sa pag-eempake nito. Iyon ang huling araw nila sa Al Paradisus. Huling araw sana niya.

"Will you be okay?" tanong ni Nadia sa kanya.

"Oo naman. Wala naman akong choice. Yung binilin ko sayo, wag mong sabihin yung nangyari. Ayokong mag-alala pa sila sa akin." Pinunasan niya ang luhang naglandas sa kanyang pisngi. Niyakap naman siya ni Nadia. Paalis na sila pabalik sa Manila.

Nauna na ang iba nilang kasama sa pag-alis ng Al Paradisus. Sila ni Nadia ay sadyang nahuli sapagkat iba ang maghahatid sa kanila pabalik ng Maynila. Nakahanda na ang chopper na gagamitin nila. Gaya nang napagkasunduan nila Aleya at Raiken kahapon, uuwi lamang siya sa kanilang bahay upang kumuha ng mga gamit.

When The Prince Says You're MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon