04

1.4K 57 32
                                    

Tamara

Pagpasok namin tatlo sa SK Cafe ay naghanap na kami ng mauupunan namin. Mabuti nalang onti palang yung tao dito. Umupo kami sa pabilog na lamesa na pang tatlong tao. Magkatabi sina Kianna at Vernon samantalang ako nasa tapat nila, mag-isa. Magmumukha tuloy akong thirdwheel neto. Hays.

"Anong gusto mo, Tammy?"

Tanong sa akin ni Kianna.

"Edi yung favorite ko, caramel macchiato."

Sabi ko at ngumiti tsaka tumango-tango kay Kianna. Pagtingin nya sa boyfriend nyang si Vernon ay biglang lumapad ang ngiti nya. Hay nako.

Ng maisipan na nila yung order nila ay ako na nagsabi na ako na ang oorder para sa amin. Tumayo na ako tsaka dumiretso sa counter.

"Umm, excuse me."

Sabi ko dito sa lalaking nakatayo dito sa counter na nakatalikod sa akin. Lumingon sya at nanlaki ang aking mata ng makita ko kung sino sya.

"Ikaw nanaman?!"

"Ikaw nanaman?!"

Sabay pa naming sabi. Sa sobrang lakas ng boses namin napatingin pa sa amin yung mga ibang nandito, including sila Kianna at Vernon. Teka, akala ko ba walang shift ngayon tong Jisung na to ayon sa sabi ni Kianna?

"Anong nangyayari dito?"

May bigla nalang lumapit na isang matandang lalaki kaya umayos si Jisung. Boss nya siguro.

"Wala po, sir."

Tugon ni Jisung at tinignan kaming dalawa nung matandang lalaki. Maya-maya umalis na sya.

"Tsk, ano ba order mo?"

Tanong nya. Sinabi ko na yung order namin at bumalik na sa table namin.

"Hoy, akala ko ba walang shift ngayon si Jisung? Ba't sya andito?"

Tanong ko kay Kianna ng makaupo na ako. Napakamot naman sya sa ulo nya.

"Malay ko ba..."

Sabi nya at napailing-iling nalang ako. Maya-maya ay dumating na yung order namin at si Jisung mismo ang nagserve. Nakangiti nyang inabot yung order nina Kianna at Vernon. Pagharap nya sa akin ay nawala na yung ngiti sa kanyang labi at tinignan ako ng seryoso.

"Oh."

Sabi nya at inilapag sa harapan ko yung caramel macchiato ko. Grrr nakakainis talaga sya! Pagtapos ay nagbow sya habang hawak-hawak nya yung tray.

"Thank you and don't come again."

Sabi nya sa akin. Aba! Tatayo na sana ako pero inawat agad ako ni Kianna at naglakad na pabalik sa counter si Jisung.

"Grrr! Dapat di nalang ako sumama dito."

Sabi ko at padabog na kinuha yung caramel macchiato ko at diretso itong ininom.

"Ba't ba magkagalit kayong dalawa?"

Tanong ni Vernon sa akin. Huminga ako ng malalim at napatitig sa caramel macchiato ko.

"It's a long story. Basta, napahiya ako ng dahil sa kanya."

"Eh diba napahiya rin sya dahil magkasama kayo nun?"

Sabi naman ni Kianna. Tinignan ko sya ng seryoso.

"Wag mo ng paalala."

Sabi ko at tumango na lamang si Kianna. Napatingin ako kung nasan si Jisung at nakitang nakatingin rin sya sa akin ng masama. Sinamaan ko rin sya ng tingin. Grr.

COFFEE BOY. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon