33

966 34 9
                                    

Tamara
Active Now

Jisung: oi

seen.

Tamara is typing...

Tamara: ano?

Jisung: lumabas ka dyan sa cafe ngayon na.

Tamara: luh pano mo nalaman na nasa cafe ako?

Jisung: bai ka ba tumingin ka sa labas ng bintana sa gilid mo

Tamara: anubayan ginulat mo naman ako

Tamara: kanina ka pa nakatayo dyan?

Jisung: lumabas ka nalang muna dyan pwede ba

Tamara: tsk. OO NA!

Tamara logged off

...

Tamara

Pagkalabas ko ay nilapitan ko agad si Jisung.

"Ano nanaman ba kailangan mo?"

Tanong ko sa kanya. Humarap sya sa akin.

"Wag mo ng gustuhin si Changbin."

Sabi nya at napakunot naman yung noo ko.

"Ano pinagsasabi mo?"

"Maniwala ka sa akin, niloloko ka lang nya."

Sabi nya at mas lalong kumunot tong noo ko. Then bigla kong naalala yung sinabi sa akin ni Kianna nun. Na nakita nya daw si Changbin na may kasamang ibang babae.

"At nagpunta ka pa talaga dito para lang sabihin yan, ha?"

"Oo. Kaya wag mo na syang gustuhin at makipagbreak ka na sa kanya."

"Luh nanliligaw pa nga lang sya eh"

"Wala akong pake. Niloloko ka lang ng Changbin na yan."

"Galit ka ba sa kanya kaya sinisiraan mo sya, ha? Hindi ganung tao si Changbin at hindi ba't kaibigan mo sya?"

Sabi ko at napahaplos naman sya sa ulo nya. Huminga sya ng malalim at tinignan ako diretso sa mata ko.

"Bahala ka dyan, kung ayaw mo maniwala edi wag!"

Sabi nya at tinalikuran ako tsaka naglakad palayo. Tss. Ano bang problema nya?

...

an: heyyaaaa. so yun malapit ng matapos to :( just a few more chapters to gooo. skl

COFFEE BOY. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon