49

854 42 2
                                    

Tamara

...

"Bye Tammy, mamimiss kita."

Sabi ni Kianna sa akin at niyakap ako. Niyakap ko rin sya pabalik.

"Mamimiss rin kita. Basta wag mong kakalimutan magreply pag chinat kita ah.."

Paalala ko sa kanya at natawa naman sya.

"Opo.."

Sabi nya at kumalas na sa yakap. Sunod akong napatingin sa kanila.

"Kayo, syempre mamimiss ko rin kayo. Basta tatan---"

Di ko na natapos yung sasabihin ko ng sugudin nila akong lahat at niyakap ng mahigpit.

"Mamimiss ka rin namin Tamara!!"

Sabi nila at natawa naman ako.

"Oy! Tama na nga yan! Maawa kayo sa kaibigan ko!"

Sabi ni Kianna at hinila na silang lahat palayo sa akin. Natawa nalang ako ng sabay-sabay silang natumba sa sahig. Pagtapos ay napatingin ako sa kanya. Bago kami umalis ay sinabi ko kayla Mama at Papa na pupuntahan ko lang saglit si Jisung para makapagpaalam rin ako sa kanya..

"Umm..guys...pwedeng lumabas muna kayo? Saglit lang.."

"Ayoko ng-- ARAYYY!"

Di na natapos ni Chan yung sasabihin nya ng kurutin na sya ni Kianna sa tenga nya.

"Sige, Tamara."

Sabi ni Kianna at lahat sila lumabas na. Ng makalabas na silang lahat ay muli akong napatingin kay Jisung.

"Jisung...ngayon na ang alis ko. Sorry nga pala kung di ko nasabi agad sayo. At sorry rin kung di na kita mababantayan pa..."

Sabi ko at naramdaman kong may namumuong luha sa gilid ng mata ko. Napangiti ako at hinawakan yung kamay nya.

"Jisung...mamimiss kita..sobra.."

Sabi ko at dahan-dahan inilapit ang aking mukha sa kanya. Pinikit ko ang aking mata at hinalikan sya sa labi nya. Sa mga oras na yon naramdaman ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Dahan-dahan na ako lumayo sa kanya.

"Bye, Jisung..."

Pabulong kong sabi at inilagay sa ilalim ng unan nya yung sulat na ginawa ko para sa kanya. I hope na mabasa nya yun pagkagising nya..

...

1 month later...

"Okay, I'll see you tomorrow."

Sabi ng classmate kong si Martha. Ngumiti naman ako sa kanya sabay sabing,

"Bye."

At naglakad na sya palabas ng room. Saktong paglabas nya ay tumunog yung cellphone ko. Kinuha ko iyon at meron akong nakitang isang message galing kay Kianna. Binuksan ko iyon at binasa. Ng mabasa ko iyon ay nanluha ako at napatakip sa aking bibig...

S-si Jisung....





















































From: Kianna ♡

gURL!!! SI JISUNG GISING NA!!






COFFEE BOY. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon