46

932 41 5
                                    

Tamara

Huminga muna ako ng malalim bago buksan ang pinto. Pagbukas ng pinto ay nakita ko na nakahiga sa kanyang kama. Nakakalungkot na in a coma state sya ngayon. Walang nakakaalam kung kelan sya magigising. O kung magigising nga ba sya...

Pumasok na ako sa loob at dahan-dahan sinara yung pinto. Pagtapos ay naglakad ako papalapit sa kanya.

"Jisung..."

Sabi ko at naupo sa upuan sa gilid ng kama nya. Hinawakan ko ang kanyang kamay at hinimas ito.

"Jisung, s-salamat nga pala sa pagligtas mo sa akin. D-dapat di mo na ginawa yun.."

Sabi ko. Pinagmasdan ko ang mukha nya. Napangiti ako sa aking sarili at hinawi ang buhok nya papunta sa gilid.

"Jisung...sana magising ka na. Alam mo bang miss ka na ng mga kaibigan mo? Kahit ako rin, miss ko na rin mga kakulitan mo.."

Sabi ko. Isang linggo na ang nakalipas simula ng mangyari yun at hanggang ngayon hindi pa rin sya nagigising. Habang paglipas ng araw ay nangangamba kami na baka di na sya magising pa. Kaya nga araw-araw kami nagdadasal para sa kanya. At dumadalaw rin kami dito pagtapos ng aming mga klase at kapag sabado at linggo.

"Nag-aalala na rin yung mga katrabaho mo dun sa cafe. Naku Jisung lagot ka sa boss mo pag gising mo.."

Biro ko, kahit na alam kong di nya naman naririnig lahat ng mga sinasabi ko. Napabuntong hininga ako at napatingin dun sa bulaklak na nakapatong sa lamesa sa gilid. Binili ko yan para sa kanya.

Maya-maya narinig kong bumukas yung pinto. Paglingon ko ay nakita ko si Changbin.

"Tamara..."

Sabi nya. Binitawan ko yung kamay ni Jisung at tumayo.

"Anong kailangan mo?"

"Pwede ba tayo mag-usap?"

...

Nandito kami ngayon sa garden area ng hospital. Nakaupo kaming dalawa sa isang bench. At sa paligid naman namin ay meron mga pasyenteng naglalakad at ineenjoy yung paligid.

"I'm sorry.."

Panimula ni Changbin. Nanatili akong tahimik at hinayaan muna syang magsalita.

"Sorry dahil niloko kita. Naiintindihan ko kung murahin mo man ako."

"Ok lang.."

Sabi ko. Kahit na naiinis ako sa panloloko nyang ginawa sa akin ay pinapatawad ko pa rin sya.

"Pasensya ka na, Tamara.."

"Ayos lang. May tanong ako, magkagalit ba kayo ni Jisung?"

Tanong ko.

"Hindi. Kahit na sinapak-sapak nya ako nun sa hospital ay naiintindihan ko naman. Pag galit talaga yung si Jisung na yun para syang si incredible hulk. Nagagalit lang naman sya, kahit minsan sa amin, kapag may nananakit sa taong mahal nya eh."

Sabi nya sabay tingin sa akin at di ko alam kung bakit biglang bumilis tong tibok ng puso ko.

"Di mo man sabihin sa akin, pero ramdam kong nagugustuhan mo na si Jisung.."

Sabi nya at napaiwas naman ako ng tingin sa kanya. Naramdaman kong hinawakan nya kamay ko.

"Wag ka mag-alala. Dahil nagugustuhan ka na rin ni Jisung."

COFFEE BOY. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon