48

865 30 7
                                    

Tamara

3 days later....

"HAPPY BIRTHDAY TO YOU! HAPPY BIRTHDAY TO YOU! HAPPY BIRTHDAY, HAPPY BIRTHDAY!! HAPPY BIRTHDAY TO YOUUUUUUUUUUU!!"

Matapos namin kumanta na parang ewan ay nagpaulan ng confetti si Chan dito sa loob ng kwarto. Birthday ngayon ni Jisung at naisipan naming lahat na dito nalang kami maghanda. Sad to say, di pa rin nagigising si Jisung..

"HAPPY BIRTHDAY, JISUNG! SANA MAGISING KA NA! AHU!" - Chan

"OO NGA! MISS KA NA NAMIN!" - Jeongin

Di ko alam bat nanluha ako habang pinagmamasdan ko silang lahat na binabati si Jisung na walang malay na nakahiga sa kama. Sa mga oras na yon muli ko nanaman naalala yung insidenteng yun. Napahinga ako ng malalim at tumalikod sa kanila para di nila mahalata na umiiyak ako. Maya-maya ay nilapitan ako ni Kianna at tinapik-tapik ang aking balikat.

"Shh. Ok lang yan, Tamara. Magigising rin si Jisung.."

Sabi nya. Humarap ako sa kaibigan ko at niyakap sya ng mahigpit habang mahinang humihikbi.

"K-kasalanan ko to, Kianna. A-ako ang dahilan kung bakit andito ngayon sa hospital si Jisung..."

"Shhh. Di mo ito kasalanan..."

"D-dapat ako nalang ang nabangga at hindi sya.."

"Tammy, ginawa yun ni Jisung upang iligtas ka."

Sabi sa akin ni Kianna. Ilang beses ko ng sinisisi ang aking sarili at ilang beses din nilang sinasabi sa akin na "ginawa nya lang yun upang iligtas ka." Oo alam ko pero dapat di na ginawa yun ni Jisung...

"Nasabi mo na ba sa kanila?"

Biglang sabi ni Kianna sa akin dahilan para kumalas ako sa yakap.

"D-di ko pa nasasabi..."

"Ang alin?"

Parehas kaming nagitla ni Kianna ng biglang sumingit sa amin si Jeongin. Sa lakas ng boses nya ay narinig tuloy ng iba kaya napatingin tuloy sila sa amin.

"Ano yun, Tamara?"

Tanong ni Chan at ako naman napakagat sa aking labi.

"May dapat ba kaming malaman?"

Tanong ni Minho at lahat sila ngayon curious ang mga mukha. Napatingin ako kay Kianna at isang tango lamang ang binigay nya sa akin. Huminga ako ng malalim tsaka humarap sa kanilang lahat..

"A-aalis na ako...."

"San ka pupunta??"

Tanong ni Felix. Napayuko ako at napahinga ng malalim.

"P-pupunta ako sa America at dun ko na ipagpapatuloy yung pag-aaral ko..."

Sabi ko at lahat sila nanlaki ang mga mata dahil sa gulat. Its true. Sabi sa akin nila Mama at Papa na pupunta kami sa america at napagdesisyunan rin nila na dun ko daw ipagpatuloy yung pag-aaral ko. Dahil rin na may bagong trabaho dun si Papa kaya pupunta kami dun. Matagal ko na itong gustong sabihin sa kanila, lalo na kay Jisung, pero natatakot ako na baka magalit sila sa akin..

"Iiwanan mo na kami, Tamara?" - Jeongin

"Di ka na babalik?" - Hyunjin

"Paano na si Jisung?" - Minho

May kung anong kumirot sa puso ko ng dahil dun sa tanong ni Minho. Napapikit ako at muling napaiyak. Ayaw ko man umalis at iwan sila, pero kailangan. Lumapit sa akin si Kianna at niyakap ako. At namalayan ko nalang na niyakap rin nila ako.

"S-sorry guys k-kung ngayon ko lang sinabi..."

Sabi ko sa kanilang lahat.

"Ok lang yun, Tamara."

Sabi nila. Di ko na mababantayan pa ng matagal si Jisung. Kaya nga habang di pa ako umaalis ay lagi akong nasa tabi nya...

"Paano kung nagising na si Jisung at nakaalis ka na at hinanap ka?"

Tanong ni Minho sa akin. Napabuntong hininga ako at humarap sa kanilang lahat. Napatingin rin ako kay Jisung.

"M-mas mabuti kung wag nyo ng sabihin pa...a-ayoko syang masaktan.."

...

an: henlooooo! gusto ko lang sabihin na malapit ng matapos to waaahh

COFFEE BOY. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon