18

1.1K 44 31
                                    

Tamara

Nagising ako dahil sa mga boses na naririnig ko. Dahan-dahan ko iminulat ang aking mata. Ng luminaw na ang aking paningin ay nakita ko sila Kianna na kausap si Mama.

"Tamara!"

Sigaw nila ng makita na nilang gising ako. Agad silang lumapit sa akin at inalalayan akong maupo. Ngayon ko lang napansin na nasa hospital kami.

"Ok ka na ba, anak??"

Nag-aalalang tanong sa akin ni mama habang hawak-hawak nya ang kamay ko. Ngumiti ako sa kanya at sinabing,

"Ok na po ako.."

Ngumiti nalang rin si Mama. Sunod akong napatingin kay Kianna at niyakap nya ako ng mahigpit.

"Sobra kaming nag-alala sayo, Tammy! Mabuti nalang di ka napahamak!"

Sabi ni Kianna at bigla ko nalang naalala si Jisung at yung nangyari sa kanya kahapon.

"A-asan si Jisung?? N-nasugatan sya...k-kasalan ko to kailangan ko syang--"

Agad nila akong pinigilan ng tangkain kong tumayo.

"Ok na si Jisung. Nagpapahinga na sya ngayon kaya wag ka ng mag-alala."

Nakangiting sabi sa akin ni Kianna. Nakahinga naman ako ng maluwag. Maya-maya nagpaalam na muna sa amin si Mama para bumili ng pagkain kaya kaming dalawa ni Kianna ang naiwan dito.

"Pano mo nalaman yung nangyari sa akin?"

Tanong ko kay Kianna.

"May nagtext kasi sa akin eh gamit yung number mo kaya akala ko ikaw yun. Pero nagtaka ako ng mabasa kong sinugod ka nila sa hospital kasama si Jisung kaya pumunta kami agad ng Mama mo dito..."

Paliwanag nya. Naalala ko, may mga grupo ng lalaki na tumulong sa amin kahapon. At meron isa sa kanila nagpakilala sa akin. Ano nga ulit yung pangalan nya? Felix ba?

"Pagdating namin sa hospital ay nakita ko yung mga kaibigan ni Jisung. Sinabi nila na nahimatay ka daw at si Jisung naman ay...nasugatan. At parehas daw kayong walang malay.."

Dagdag nya. So, ibig sabihin mga kaibigan ni Jisung yung tumulong sa amin kahapon? Bumukas yung pinto at nakita namin si Vernon.

"May bisita ka.." sabi ni Vernon at nagkatinginan naman kami ni Kianna. Maya-maya ay meron pumasok na isang lalaki at yun ay si Felix.

...

Jisung

"Asan si Felix?"

Tanong ko sa kanila ng mapansin kong biglang nawala si Felix. Nilapitan naman ako ni Minho.

"May pinuntahan lang daw sya. Baka bumili ng pagkain."

Sabi nya sa akin at napabuntong hininga nalang ako. Napatingin ako sa kaliwang braso ko na ngayon ay may balot na ng bandaid. Medyo mahapdi pa sya ng onti. Maya-maya ay bumukas yung pinto kaya lahat kami napatingin dun. Di ko alam ba't bigla nalang kumulo tong dugo ko ng makita ko si Changbin.

"Jisung! Sorry!"

Sabi nya at iniyuko yung ulo. Kahit na medyo nanghihina pa ako ay tumayo ako at nilapitan sya.

"Gago ka!!"

Di ko na napigilan ang sarili kong sapakin sya. Bumagsak sya sa sahig at agad ako umibabaw sa kanya at pinagsasapak sya gamit ang kanang kamay ko.

"GAGO KA!! ALAM MO BANG MUNTIKAN NG MAPAHAMAK SI TAMARA, HA?! HINDI BA MAGKASAMA KAYO KAHAPON?!! BAKIT HINAYAAN MO LANG SYANG UMUWI MAG-ISA?!!"

Agad naman ako hinawakan nila Chan at Minho at inilayo kay Changbin.

"GAGO KA!!!"

Sigaw ko muli. Agad naman inalalayan nila Jeongin at Seungmin si Changbin na sobrang sama ng tingin sa akin.

"HAYOP KA!!"

Susugod na sana ulit ako pero agad pumagitna sa amin si Woojin.

"ANO BA?! TAMA NA NGA!"

Sigaw nya. Tinignan ko na lamang ng masama yung Changbin na yun. Bwisit sya. Pasalamat sya niligtas ko si Tamara.

"Jisung.."

Lahat kami napatingin sa pintuan ng may marinig kaming nagsalita. Nakita namin si Felix. Tumabi sya sa gilid at natigilan ako ng makita ko si Tamara..

...

Tamara

Sobrang tahimik dito sa kwarto ni Jisung. Napatingin ako kung nasan si Changbin. Ginagamot na nila ngayon yung mukha nya ng dahil sa sapak ni Jisung kanina. Ng makita nyang nakatingin ako sa kanya ay umiwas sya ng tingin. Sunod akong napatingin kay Jisung na nakayuko lang habang nakaupo sa kama. Napatingin rin ako sa kanang kamay nya at nakitang namumula ito.

"Bakit ka nandito?"

Natauhan ako ng marinig ko syang nagsalita. Magsasalita na sana ako eh naunahan na ako ni Felix.

"Ako ang nagdala sa kanya dito. At sa tingin ko, kailangan nyo na mag-usap."

Sabi ni Felix at niyaya nya sa labas yung mga iba nilang kaibigan.

"Ehh! Ba't kailangan pa natin lumabas?"

Sabi nung isa, I think sya si Jeongin. Wala na rin syang nagawa ng hilahin sya ni Felix palabas. Ng makalabas na silang lahat ay muli akong humarap kay Jisung.

"Ano ba kasi---"

"Salamat, Jisung.."


COFFEE BOY. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon