45

965 38 4
                                    

Tamara

"J-jisung, please..."

Sabi ko habang hawak-hawak ko ang kamay ni Jisung. Nakahiga sya ngayon sa isang kama at nakikisabay ako sa pagtakbo ng mga nurse habang tinutulak nila yung kama ni Jisung.

"J-jisung, please gumising ka.."

Muli nanaman bumuhos ang walang katapusang luha mula sa aking mata. Maya-maya ay pinatigil ako ng isang nurse.

"Hanggang dito nalang po kayo."

Sabi nya sa akin at wala na akong nagawa kundi tumayo nalang dito at maghintay. Ng makapasok na sa loob yung nurse ay biglang nanghina tong tuhod ko dahilan para mapaupo ako sa sahig. Sana isang panaginip lang to. Sana isang panaginip lang to! Pero hindi eh! Nangyari na! Muli, niligtas nya nanaman ako at ako di ko man lang sya magawang iligtas. Kasalanan ko to, kasalanan ko to, kasalanan ko to!

"Tamara!"

Rinig kong may tumawag sa akin. Paglingon ko ay nakita ko sila Kianna at Vernon. Pagkalapit sa akin ni Kianna ay niyakap nya agad ako ng mahigpit. Agad ko sya tinext ng papunta kami dito sa hospital at sinabi ko rin na itext nya rin yung mga kaibigan ni Jisung. Mas lalo akong napaiyak at pinapatahan naman ako ni Kianna.

"Shhh...tahan na."

"Kasalanan ko to. Kasalanan ko to.."

Paulit-ulit kong sabi. Di ko na alam ang gagawin ko kung sakaling di umabot si Jisung. Inalalayan nya akong tumayo at naupo muna kami sa upuan sa gilid at kwinento kay Kianna yung nangyari. Tinanong nya naman kung nahuli ba nila yung nakabangga kay Jisung at sabi ko naman na nahuli na ng mga pulis.

"Di na nya dapat ginawa yun. Ako dapat ang nabangga.."

"Tammy, kaya ka nya niligtas dahil mahalaga ka para sa kanya."

Sabi ni Kianna. Muli nanaman akong napaiyak at niyakap muli ako ni Kianna upang patahanin ako. Maya-maya ay nagsidatingan na yung mga kaibigan ni Jisung, kasama si Changbin. Lahat sila ay nag-aalala at kinakabahan. Kwinento ko sa kanila yung nangyari at halos magwala na yung isa sa kanila. Sabi naman ni Kianna sa akin na yun daw si Minho, ang pinakamalapit kay Jisung.

"S-sorry guys. K-kasalanan ko to.."

Mangiyak-iyak kong sabi. Nilapitan naman ako ni Felix at hinawakan ang kamay ko.

"Shh. Hindi mo ito kasalanan. Ginawa nya lang iyon upang iligtas ka."

Sabi nya sabay ngiti sa akin. Naupo na rin sila sa upuan at naghintay. Napatingin ako kay Changbin na nakatulala habang nakaupo sa upuan, pati na rin yung iba. Napahinga nalang ako ng malalim at isinandal ang aking ulo sa balikat ni Kianna.

Jisung, kamusta ka na?

...

Bumukas na yung pintuan at sabay-sabay naman kaming napatingin dun at nakita yung doctor. Tumayo agad kami at nilapitan yung doctor.

"D-doc, kamusta na po sya?"

Tanong ko. Base sa tsura ng doctor ngayon, mukhang may hindi magandang nangyari. At natatakot ako sa mga sasabihin nya sa amin.

"Ok naman na ang kalagayan nya ngayon. Kaso, dahil sa lakas ng pagbagsak nya sa sahig ay nasugatan ang kanyang ulo. In a coma state sya as of now."

Napatakip ako sa bibig at muli nanamang napaiyak.

"Doc, kelan po sya magigising?"

Tanong ni Minho.

"Di namin sigurado kung kelan sya magigising. Mas mabuti kung magdasal kayo at hintayin magising sya. There's also a possibility that he might not...wake up."

Di namin maiwasan magulat sa sinabi ng doctor. Paulit-ulit na nag-echo sa utak ko yung huli nyang sinabi.

"There's also a possibility that he might not...wake up."

COFFEE BOY. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon