12

1.3K 47 102
                                    

Changbin waved at you!

Changbin: hi tamara :)

Tamara: hellooooo

Changbin: punta tayo sa sk cafe mamaya?

Changbin: don't worry libre ko

Tamara: asusss | delete

Tamara: o sige :)

Changbin: ok :)

...

Tamara

Pagkatapos ng aming klase ay dumiretso na kami ni Changbin sa SK Cafe. Shet, baka mamaya andun nanaman yung Jisung na yun. Bigla nalang tumigil sa paglalakad si Changbin kaya napatigil rin ako at nagtatakang tinignan sya.

"Umm...alam kong galit ka kay Jisung. Pero ok lang na---"

"Ok lang sa akin, dont worry."

Pagpuputol ko sabay ngiti sa kanya. Napangiti nalang rin sya at shet ang cute nya ngumiti why is dat?! Nagpatuloy na kami sa paglalakad. Ng makarating na kami sa SK Cafe ay naghanap na agad kami ng mauupuan namin. Since sabi ko kay Changbin na dun kami maupo sa may sulok katabi ng bintana ay pumayag nalang rin sya.

"Caramel Macchiato oorderin mo no?"

Biglang tanong sa akin ni Changbin. Luh pano nya nalaman?? Sa pagkakaalam ko si Kianna lang ang nakakaalam na paborito ko yun.

"Pano mo nalaman?"

"Sinabi kasi sa akin ni Kianna. Sorry. Galit ka?"

"Hindi. Na-shook lang si ako."

Sabi ko at parehas kaming natawa. Maya-maya narinig kong bumukas yung pinto kaya napatingin ako dun at nakita si Jisung. Nagulat ako ng bigla syang tawagin ni Changbin.

"Jisung! Pre!"

Agad naman napatingin sa direksyon namin si Jisung. Ng magtama ang aming mata ay sinamaan ko sya ng tingin at ganun rin sya. Naglakad sya papalapit sa amin.

"Tara samahan mo na kami."

Sabi ni Changbin pero umiling-iling si Jisung.

"Di pwede, pre. May shift pa ako at baka pagalitan pa ako ng boss ko."

Sabi ni Jisung. Share mo lang? Tss.

"Ay ganun ba. O sige. Oo nga pala, kilala mo naman si Tamara dba?"

Sabi ni Changbin sabay turo sa akin. Anong tanong yun? Napabuntong hininga naman si Jisung.

 Anong tanong yun? Napabuntong hininga naman si Jisung

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Hmm, mauuna na ako."

Sabi ni Jisung at naglakad na papunta sa counter. Napahinga nalang ako ng malalim at napatitig sa lamesa.

"Tam, ok ka lang?"

"O-oo naman.."

"Hmm, sige. Oorder na ako."

Sabi nya at tumayo na tsaka pumunta sa counter para makapagorder na.

...

"Salamat nga pala sa paglibre mo.."

Sabi ko kay Changbin ng makalabas na kami sa cafe. Ngumiti sya sa akin sabay sabing,

"Walang anuman."

"Sige, mauuna na ako.."

Sabi ko at maglalakad na sana pero pinigilan nya ako.

"Hatid na kita, delikado umuwi mag-isa. Babae ka pa naman din."

Sabi ni Changbin. Yiieettt concern sya sa akin, lol.

"Don't worry, kaya ko sarili ko. Sige na, bye-bye."

Sabi ko at nagpaalam nalang rin sya. Naglakad na ako sa ibang direksyon. Habang naglalakad ako ay naramdaman kong may tumulo sa balikat ko. Pagtingala ko ay sunod-sunod na pumatak yung ambon hanggang sa unti-unti na itong lumalakas. Agad ko tinakpan ulo ko at mabuti nalang rin may convenience story kaya dun muna ako sumilong. Agad ko pinunasan yung aking braso. 

Maya-maya ay may nakisilong din at kung minalas nga naman ako, si Jisung pa.

"Ba't ka nandito?"

Tanong ko sa kanya. Tinignan nya ako ng seryoso.

"Bakit ba? Eh sa dito rin ang daan ko pauwi eh."

"Tss."

Sabi ko nalang. So ayun nakatayo lang kami dun sa ilalim ng bubong sa labas ng convenience store habang inaantay humina yung ulan. Napatingin ako ng onti kay Jisung at nakitang nakatingala lang sya sa kalangitan. Maya-maya napatingin rin sya sa akin kaya umiwas agad ako ng tingin. Shet.

Paglipas ng oras ay padami na ng padami yung mga taong nakikisilong rin dito kaya napapausog tuloy ako hanggang sa magkadikit na yung braso namin ni Jisung. Di ko alam ba't ang awkward huhu. Mas matangkad pala sya sa akin, xoxad. Galaw ng galaw yung mga taong nasa kabilang gilid ko kaya nababangga tuloy nila ako at pinipigilan ko lang ang aking sarili na wag silang sigawan. Maya-maya nagulat ako ng bigla akong akbayan ni Jisung at mas lalo akong inilapit sa kanya para di na ako mabangga nung mga katabi ko. Yung puso ko bes!

Dahan-dahan ako napatingala kay Jisung at nakitang seryoso lang sya habang nakatingin sa harap. Medyo nababasa na rin yung bangs nya tho. At ngayon ko lang narealize na...ang cute nya pala.

So yun nakatayo lang kami dun, di nagkikibuan habang akbay nya ako hanggang sa humina na yung ulan.

...

Tamara: hoy

Tamara: salamat nga pala kanina.

Tamara: shet bat nacricringe ako dito | delete

seen.

Jisung is typing...

Jisung: k.

Jisung logged off

Tamara: k zone amp | delete

COFFEE BOY. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon