XXIX

8.6K 354 35
                                    

CHAPTER 29
Thrown Into Chaos


Hindi ko alam kung ano ang pwede kong gawin o sabihin kaya nanatili akong walang kakilos-kilos sa kinalalagyan. Sinundan ko lang ng tingin ang unti-unting paglabo ng imahe ni Xander hanggang sa tuluyan na siyang nawala.


Lahat kami ay nabigla. Nabigla na gano'n ang kinahantungan ng napakasimple nilang usapan. Nang dahil lang kay Serenity, nagkalamat ang akala kong matatag naming samahan.


“L-Luciel, habulin natin si Xander.”


Puno ng pag-aalala ang mukha ni Auriel na katatapos lang magising mula sa nakabibiglang sitwasyon. Pero napatda na lang siya at bumalik sa pagkatulala nang tabigin ni Luciel ang kamay niya na nakahawak sa braso nito.


Hindi ko rin inaasahan 'yon.


“You should mind how you act in front of other guys, Auriel.”


“B-bakit?” nangangatal ang boses na tanong ng kausap niya.


“Nevermind.” Kahit ako ay nilamig sa paraan ng pagtitig ni Luciel. Wala akong makitang emosyon sa mga mata niya. “Just don't talk to me for a while.” Walang pakialam siyang naglakad at iniwang tigagal si Auriel.


Hindi ko akalaing kayang umasta ni Luciel ng gano'n sa nag-iisang babaeng nagawa siyang paamuhin noon.


Nahuli kong balak magsalita ni Stephan pero pinili niyang yumuko na lang at itikom ang bibig.


Lalapitan ko na sana si Auriel kundi lang sa biglaang pagyanig ng lupa. At bago pa kami makapag-isip, umalingawngaw ang nakakabinging sunod-sunod na pagputok na tila galing sa isang kanyon.


Iglap lang ay nagsipagguhuan ang mga gusali sa paligid. Maraming tipak ng bato ang nagsipaglaglagan at humarang sa daan.


“A-Auriel.... N-Nicholai!” tawag ko sa dalawa dahil tanging sila lang ang nawala sa paglukob nang makapal na alikabok sa paligid bunga ng mga nawasak na pader.


Pati si Luciel na kaninang galit ay panay ang tawag sa pangalan ni Auriel.


Umugong na naman ang lupa. Sa 'di kalayuan natanaw kong umabante ang isang malaking sasakyan.


“Some crazy jerk is trying to kill us with a tank!”


Tulad ni Scarlet, hindi nga ako pinaglalaruan ng mga mata ko. Isang tangke nga ang aking nakikita.


Huminto 'to bago ulit nagpakawala ng mga bala. Muli na namang umulan ng mga debris.


“Scarlet, pumunta ka na sa ligtas na lugar!”


Tumalima naman agad ang babae sa utos ko.


Sunod kong nilapitan si Stephan. “Tara na, Stephan!” Hinatak ko ang kamay niya pero hindi siya nagpadala. Ipinagpatuloy niya lang ang kanina pang pagtawag kay Yasmin.


Nang saglit na tumigil ang pagpapaputok ng tangke ay nabawasan ang mga lumilipad na alikabok. Nasaktuhan namin ang paglabas ni Yasmin mula sa convenience store. Pero hindi pa man siya nakakalayo ay nagbagsakan na sa kanya ang ilang malalaking bato.


K-Game (Korosu Game)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon