XIX

11K 464 32
                                    

CHAPTER 19
Outwitting The Enemy


Pagkapasok na pagkapasok sa unit na kasalukuyan naming inuukupahan, isinara agad ni Canary ang mga bintana na hinarangan niya pa ng kurtina. Pagkatapos ko kasing sabihin ang tungkol sa nakita ay nagpasya kaming bumalik muna.


Kani-kanya kaming pumuwesto sa loob ng living room. Ilang minutong nanaig ang katahimikan bago may nagsalita.


“Before getting to the main problem,” pukaw ni Xander sa lahat. “Let's deal with something else first.”


Makahulugan nitong tinitigan ang babaeng nakapameywang, na nakuha naman ang ibig niyang sabihin. Lahat kami ay napatingin kay Scarlet.


Tama si Xander, bukod sa mga may kinalaman sa Student Council ay may isa pang bagay na dapat kaming linawin.


“Tch! I won't use the card,” direktang sagot ni Scarlet na ang tinutukoy ay ang Jack of Spades na nakuha niya kanina lang sa pinatay na kalaban.


“You better be saying the truth.” Si Stephan naman ang nagsalita. “Hindi kami magdadalawang isip na—”


“Na ano? Ituloy mo!” Tumaas pa ang isang kilay ng babae dahil sa narinig na hindi nito nagustuhan.


Kapag bunga ng sariling kalokohan ay hindi pinapatulan ni Stephan ang paninita ni Scarlet sa kanya, pero kapag ganitong seryosong bagay ang usapan, nag-iiba ang ugali niya.


Pihadong nagkaroon sana ng ibang diskusyon kundi lang nagsalita si Luciel. “We are now aware that whom we thought as greatest threats in this game are watching us.” Magkasalikop ang mga palad nito na nakaupo sa pang-isahang upuan. Mga mata lang ang gumalaw sa kanya para tingnan si Scarlet, ay nag-iwas na ang huli ng tingin. Ang matalas na tingin ni Luciel ay nagsilbing isang babala. “Let's focus on how to handle them.”


“Hindi ko akalaing ang babaeng lagi kong nakikitang umaaligid sa 'tin ay ang Bisi Presidente ng Student Council.” Si Canary naman ang nagsalita. “Akala ko ay program lang din ang Celine Deogracia na 'yon o 'di kaya ay NPC sa Realscape. Masyado kasi siyang—”


“Maganda.” Ako na ang tumapos ng sinasabi niya. Sa 'kin na rin napunta ang mga mata ng nasa loob ng kwarto, na kanina ay nasa kanya.


Pareho kami ng akala. Naniwala kami na masyadong maganda ang babae para maging totoo, na siyang naging pagkakamali namin.


“For now, we will not divide the group while searching for the way out of this world,” pagtutuloy ni Luciel. “Hindi magiging madali sa kanila ang kumuha ng pagkakataong umatake kapag magkakasama tayo.” Lahat naman ay sumang-ayon sa sinabi niya.


“I think we should leave this place now,” singit ni Xander.


Kahit ngayong araw lang din kami kumuha ng unit sa building na 'to ay naisip kong may punto siya. Hindi malabong alam na ng Vice President kung nasaan kami.


Nagsimulang magpalakad-lakad si Stephan ilang hakbang mula sa puwesto. “The question is how? Kapag umalis tayo rito makikita at masusundan pa rin naman nila tayo.”


Napaisip kami sa sinabi niya. Paano nga ba namin maiiwasan ang mga kalabang alam ang mga itsura namin, habang kami, bukod kina Nicho at Scarlet ay ako pa lang at si Canary ang nakakita kay Celine.


K-Game (Korosu Game)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon