XL

9K 429 70
                                    

CHAPTER 40
Tears of Blood

•Janina•


“C'mon Auriel, play with me.”


Kanina pa parang naghahabulang aso at pusa ang dalawa. Tuwing susubukan kasi ni Auriel na atakehin si Siegfried ay humaharang si Kendrix. At ngayon nga, kinukulit pa rin siya nito at hindi pa rin pinalalampas.


“Please play with me.” Isang suntok ang pinakawalan ni Ken na tumama sa mukha ni Auriel.


Napailang hakbang paatras si Auriel bago sinamaan ng tingin ang lalaki. Obviously annoyed by the persistent jerk, she dashed towards him.


“Sorry, didn't mean to hit your beauti—”


Ken spun in mid air before hitting the cold, hard ground with his face because of Auriel's spinning hook kick.


Napanganga ako sa nasaksihan. She managed to deal a blow to the ever so abominable opponent, and it was a powerful kick at that.


Nakangising bumangon si Kendrix. “Ang sakit no'n.” Sapo niya ang pisngi kung saan dumapo ang sapatos ni Auriel. Hawak na ang kanyang main weapon ay sumugod siya.


Nakahanda naman si Auriel at inilagan 'yon. She sidestepped then tried to kick Kendrix in the face again, but this time the latter leaped away.


“Once is enough ” Ipinakita ni Ken ang hintuturo na sinundan niya ng hinlalato. “Twice is too much,” giit pa niya bago tumakbo paabante.


Nagbanggaan ang mga sandata nila. Kahit napakalaki ng espada ni Ken ay nagagawang salubungin 'yon ng dalawang patalim sa mga kamay ni Auriel.


Palitan sila sa pagwasiwas at pagsangga. Wala nang sinuman sa kanila ang umiilag. They're battling head-on!


“Hindi mo ba siya pipigilan?” narinig kong turan ni Serenity na sa tingin ko'y si Xander ang kausap. “She's about to step to the point of no return.”


What she said brought me back to my senses. Sa takbo ng mga nangyayari, baka makapatay nga si Auriel. Once she killed someone, she can never return to how she used to be.


“Kung kaya ko lang, kanina ko pa ginawa.” He gritted his teeth. “Where's Luciel when Auriel needs him.”


Nabalik lang ang atensyon ko kina Auriel dahil sa malakas na ingay ng pagguho. Somehow, Kendrix seemed to have crushed against the wall. Nagkaroon nang malaking butas sa pader kung saan kita na ang mga gusali at establisyemento sa labas.


Naglaho ang espada sa kamay ni Ken bago niya dinampot ang ilang tipak ng bato sa sahig. “Fire away!” he shouted then threw the rocks in his hand.


Nakaiwas si Auriel sa mga naunang bato pero habang tumatagal ay mas bumibilis ang mga 'yon. Napapadalas ang muntik nang pagtama ng mga 'to sa kanya hanggang sa sinabayan ni Kendrix ang isa sa mga bato, na hindi niya namalayan.


Kendrix grabbed Auriel's head and dragged her at a fast pace until they reached a wall.


Natabig nga ni Auriel ang kamay sa ulo niya pero pagkabitiw na pagkabitiw naman ni Kendrix sa kanya, inilabas nito ang sandata at itinulak palapit sa kanyang leeg. She is now sandwiched between the wall ang Kendrix, while stopping the blade from reaching her neck using both her daggers.


K-Game (Korosu Game)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon