XLX

8.4K 402 64
                                    

Chapter 50
Devil's Charm

•Scarlet•


Papaliko na 'ko sa isang kanto nang makita ang markang ekis sa pader. Naletse na! Bumalik na naman ako kung saan ako nanggaling kanina.


Palatandaan ang iniwan kong marka sa eksaktong lugar kung saan ako unang napadpad nang magkahiwalay-hiwalay kami. Ilang oras na 'kong palakad-lakad at paikot-ikot pero kahit saan ako magsuot, sa parehong lugar na 'to pa rin ako bumabagsak.


Nasapo ko ang ulo. This maze is ticking me off! Dahil sa inis ay sinipa ko ang pader na alam kong hindi naman makakaramdam nang sakit.


“Fucker!” Irita akong umukit ulit ng isa pang 'x' mark gamit ang karet ng main weapon ko, sa tabi ng pader ng lagusan na pinasukan ko kanina bago humakbang patungo sa salungat na direksyon.


I started walking leisurely. Bahala na kung kailan ako makakarating sa gitna. Kahit naman kasi bilisan ko ay walang silbi. Maliligaw at maliligaw pa rin ako.


Nasaan na kaya ang iba? Nahihirapan din kaya sila? For sure, si Auriel at Stephan ay mga naliligaw rin, or much worst, may kinakaharap na silang kalaban. Handa naman akong kalabanin ang kahit sino, makasalubong ko na lahat, basta 'wag lang si Canary. 'Yan ang paulit-ulit kong sinasabi sa isip ko kanina pa. Para na nga 'yong chant na pangontra. Kahit si Siegfried na, o si Eunice, 'wag lang siya.


The corridor I've been walking on for awhile now is so quiet. The only thing that's disturbing the peace is the sole of my shoes. Bigla kong naramdaman ang malamig pero mahinang pag-ihip ng hangin, patunay n'yon ang panandaliang pagsayaw ng mga apoy sa bawat sulong nakabitin sa pader. Dahil do'n ay nagkaroon ako ng ideya.


Mabilis kong tinahak ang daan kung saan nanggagaling ang hangin. Gaya sa mga napapanood ko, sa pinagmumulan ng hangin naroroon ang daan palabas.


Ang mahinang ihip ay unti-unting lumalakas habang patuloy lang ako sa pagtakbo. Finally, may patutunguhan na rin ang pinaggagagawa ko. Papasok na 'ko sa isa na namang lagusan nang may aninong humarang sa lalakaran ko.


“Boo!”


“Ay, putang ina!” Hawak ko ang dibdib ko nang mapaatras dahil sa impaktong nanggulat sa 'kin. “De puta ka!” Nagmamadali kong hinubad ang mga sapatos ko at magkasunod na ibinato sa lalaking nag-eecho na sa buong lugar ang pagtawa. “Gago ka talaga!”


“Magugulatin ka pala?” tanong niya pa sa pagitan nang paghalakhak saka inihagis sa paanan ko ang mga sapatos ko.


Nagsisisi na 'ko kung bakit hindi ko isinama sa pangontra ang pangalan niyang lintik siya!


“Good to see that you were not harmed, Scarlet.” Natigil siya sa pagtawa at rumehistro sa mukha niya ang  sinserong ekspresyon ng tuwa dahil nga ligtas ako.


I can't believe him, I can't believe his personality. Sa ilang beses naming pagbabanggaan na kulang na lang ay magpatayan kami, nagagawa niya pa ring alalahanin ako. Parang 'di siya marunong magtanim nang sama ng loob. Naiinggit ako sa kanya, kasi ako, gusto ko siyang tirisin sa tuwing nakikita ko.


“We're lucky to run into each other on this god forsaken labyrinth. Kanina pa 'ko paikot-ikot. Nahihilo na nga ako.” Natatawa niyang kwento bago ako talikuran.


K-Game (Korosu Game)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon