XI

13.2K 608 98
                                    

CHAPTER 11
My Own Knight


“May nanonood sa mga kilos n'yo,” panimula ni Luciel habang nakapalibot kaming lima sa center table na nasa living room.


Hindi ako makapaniwalang napatitig sa matalas niyang mga mata. Paanong hindi ko napansin na may nagmamasid sa 'min? Naikuyom ko ang kamao. Malamang na hindi ko namalayan dahil nilamon ang interes ko ng user interface sa harapan ko kanina, nagpadala ako sa excitement.


Ang mga nanonood sa 'min din siguro ang dahilan kung bakit maraming numerong pinindot si Stephan sa elevator. Inililigaw niya ang mga 'yon.


“Hindi lahat nang nasa paligid ay walang pakialam sa 'tin, pero hindi rin lahat ay kalaban.”


“Kung hindi lahat kalaban, ano sila?” putol ni Stephan sa huling sinabi ni Xander.


“While I was roaming I saw former students of K-High.” Lahat kami ay napatitig kay Xander. “They were the ones studying in the same university with us.”


Naguluhan ako bigla kaya sinabi ko na kung ano ang nasa isip. “Karamihan sa mga estudyanteng kasama natin sa campus ay mga grumaduate noong natapos ang gulo na gawa ng Mercenary. Matagal na nilang gustong makalabas sa K-High kaya walang sense na kasali sila sa isang delikadong laro.”


“Exactly my point,” dugtong ni Xander. “What's more surprising is I also saw some people I used to know. Mga taong kilala ko na walang kinalaman sa K-High o kahit sa Underground Government.”


Mas nalito ako sa idinagdag niya. Lalong nawalan ng sense na nasa mundong 'to ang mga normal na tao.


“So what did you guys find out?” putol niya sa  katahimikan.


Si Auriel na ang sumunod na nagpaliwanag. “Hindi lang ordinaryong baraha ang nasa bawat isa sa 'tin.” Ipinaypay niya ang tinutukoy at katulad ng nangyari kanina ay lumutang 'yon.


Sabay-sabay naman na kinuha ng tatlo ang mga baraha nila at ginaya ang ginawa ni Auriel.


“Ang nakikita n'yo ngayon ay tinatawag na user interface.” Ako na ang nagpatuloy. “D'yan nakalagay ang ilang impormasyon tungkol sa mismong may-ari ng baraha.” Bakas ang pagkamangha sa mukha ni Stephan nang makita ang buong sarili sa isang maliit na screen samantalang parehong tahimik na sinusuri lang ni Luciel at Xander ang nakikita. “Sa tingin ko, ang tatlong bakanteng kahon sa kaliwang gilid ng larawan ay ang mga equipment slot.” Tumango-tango lang sila kaya nagpatuloy lang ako. “Ang unang kahon ay para sa main weapon at ang dalawa ay para naman sa sub-weapons.”


Naipukpok ni Stephan ang nakakuyom na kamao sa sariling palad na para bang may nadiskubre siya. “So this is what that loli meant about hints,” komento niya na ang tinutukoy ay si Cerberus. “Secret rooms, weapons, transition, joker, death, K-High.” Pag-uulit nito. “The hint K-High must be connected to the students Xander saw, while weapon is connected to the slots Canary explained.” Naramdaman ko ang excitement sa boses niya. “Pwede tayong gumamit ng mga sandata!”


“The question is where are we going to find those?”


Kundi lang nagsalita agad si Luciel ay matatahimik na naman sana kami dahil sa tanong na 'yon ni Xander. “Proceed, Canary.”


K-Game (Korosu Game)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon