Justin's P.O.V
Nakaupo lang ako sa isang table sa classroom malapit sa window. Nagreplay sa utak ko yung pangyayari kanina.
Napangiti ako dahil nalaman kong napakahina palang sumuntok ni Aiden.
Bigla naman itong nahaluan ng lungkot. Napatayo ako at napasuntok sa pader dahil nagalit ako sa sarili ko.
Ang bobo mo Justin. Sabi ko sa isip isip ko.
Naguilty ako sa ginawa ko dahil hindi ko naman talaga gusto si Cassie.
Panlipas oras lang kami sa isa't isa at alam ni Cassie yun.
Napansin kong sineseryoso niya na masyado at ayokong sirain relasyon nila ni Aiden kaya tinapos ko na pero nanghingi si Cassie ng huling halik at saktong sakto naman ang pagpasok ni Aiden.
BINABASA MO ANG
Mr. Broken Hearted & Ms. Panget
Teen FictionSubaybayan niyo ang love triangle nina Justin, Steph, Aiden, at Cassie.