Chapter 5

642 6 0
                                    

Inintindi ko nalang si Cassie.

Bumalik ako sa paghahanap kay Justin. 

Naglakad ako papuntang classroom, nagbabakasakaling nandun siya.

Nakabukas yung sliding door.

Something felt off.

Pagkapasok ko nakita ko si Justin nakatayo sa sa harap ng pader, sinusuntok ito.

"Justin!" sigaw ko, hoping he would stop.

Nang marinig niya boses ko, he stopped and dropped his bleeding fist. Hindi niya ako tinitignan.

There was something wrong.

Kinuha ko panyo ko galing sa bulsa ko at pumunta sakanya. Pinunasan ko ang nagdudugong kamay nito.

"Wag mong saktan sarili mo, kailangan pa natin 'tong kamay na to sa paggawa ng props"

Natawa naman ito.

"Steph" he said with a sweet but sad voice.

Tinignan ko siya. Doon ko lang napansin yung lip cut niya and his swollen face.

"Justin, anong nangyari?"

"I got into a fight" he tried reassuring me with a smile.

I sighed "With whom?" tanong ko.

"Aiden"

Nabigla ako sa narinig ko.

Nasasaktan ako pag naririnig ko yung pangalan ni Aiden dahil pinapaalala nitong kahit kailan impossible niya akong magustuhan.

Hinawakan ko kamay ni Justin, but I was gentle. I made sure I didn't hurt him.

"Tara na, kailangan natin ipa treat agad yan para hindi lumala"

Nang palakad na ako pinigilan niya ako at hinila palapit sakanya.

Sinandal niya ulo niya sa balikat ko.

"Ang sakit, Steph" 



Mr. Broken Hearted & Ms. PangetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon