Steph's P.O.V
Mahigit isang linggo na kaming di nag uusap ni Aiden pagkatapos ng nangyare sakanila ni Cassie.
Bigla akong nasampal ng realidad nang marinig ko ang boses ni Aiden.
"Steph, can we talk?"
Sinagot naman ito ni Keith na katabi kong nakaupo sa cafeteria. "May dapat bang pag-usapan?"
"Please, steph" pagmamakaawa nito.
Hindi ko masabing ayoko dahil gusto ko, gusto ko padin siya.
I nodded "Babalikan nalang kita sa classroom, Keith"
Nang umali si Keith, si Aiden naman ang pumalit sa tabi ko.
"Steph... di ko alam kung san ako magsisimula"
"Simulan mo sa pagsagot ng tanong ko, mahal mo pa ba si Cassie?" nabigla ako sa lumabas sa bibig ko.
"..."
Hindi ito sumagot. Doon palang alam ko na.
"Kaya ko siyang kalimutan para sayo"
Hindi enough.
"Kung bibigyan mo'ko ng pagkakataon, kung pag-iisipan mo"
Tumayo ako sa inuupan ko, aalis na dapat ako nang hawakan nito ang kamay ko.
"Gusto kita, steph".
BINABASA MO ANG
Mr. Broken Hearted & Ms. Panget
Teen FictionSubaybayan niyo ang love triangle nina Justin, Steph, Aiden, at Cassie.