Chapter 4

706 7 0
                                    

Steph's P.O.V

Naglalakad ako sa hallway hinahanap si Justin dahil utos ng club moderator namin. Hindi kasi umaattend si Justin these past few weeks.

Nadaanan ko naman ang mga cheerleaders ng school na mukhang may hinahanap rin, hindi ko maiwasang makinig sa usapan nila dahil rinig na rinig ito.

"Ang panget talaga ni Steph" sabi ni Angeline sa mga kasama niya.

"Kahit anong angle mo titigan, wala talagang pag asa" sagot ng isa, sabay tawa.

"Hindi ba yan marunong mag ayos?" tanong ng isa, while she looked at me in disgust.

"Ano ka ba, kahit anong ayos gawin niyan pag panget talaga, panget talaga"

Alam kong sinasadya nilang magparinig.

Ayoko rin na lapitan nila ako at idiin pa sakin lalo na oo na, panget ako kaya tumakbo ako papalayo.

Their laughs echoed the hallway.

Nabangga naman ako kay Cassie. The cheerleader captain.

"Cassie? okay ka lang ba?" tanong ko.

Siya siguro yung hinahanap nila Angeline.  

Bigla naman itong umiyak.

Binilisan ko agad lumapit sakanya.

"Cassie?"

Naramdaman kong kailangan niya ng supporta kaya naman sinamahan ko muna siya.

Pagkatapos ng ilang minuto, nagawa niya nang magsalita at ang unang lumabas sa bibig nito ay "Sino ka ba?" galit itong tinanong ni Cassie.

She stood up patting her uniform.

Sasagot pa lang ako, bigla akong sinampal nito "Ang mga babaeng katulad mo, di dapat kinakausap ang mga babaeng katulad ko, gets?" sabay alis nito.

I was left confused. Hindi ko maintindihan kung bakit ayaw na ayaw sakin si Cassie.







Mr. Broken Hearted & Ms. PangetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon