Part 1

4.5K 50 4
                                    


Tawagin nyo na lang akong J. Second year na ako sa college, nursing. Bunso ako sa pamilya namin, dalawa kaming magkapatid. Yung kuya ko, si Kuya Toto, mas matanda siya saken ng 2 years. Actually, isa akong tagong bi, at walang may alam sa family ko.

Pagpasensyahan nyo na kung medyo mahaba 'to, malaki kase yung problema ko at need ko ang advice nyo.

Girlfriend ni Kuya si Ara. Kaka-1 year lang nila last January actually. Nung umpisa, hindi naman kami gaanong close ni Ara. Tamang "hi-hello" lang kapag bumibisita siya sa bahay, tapos ngiti-ngiti kapag nagkakasalubong kami sa school. Never kaming nag-usap ng more than 2 sentences ata. Pero nagbago lahat nung nagka-away sila one time ng kuya ko. Parteng August siguro yun last year.

Gabi nun, bigla siyang nag-text saken, nagtatanong kung nasa bahay daw ba si Kuya, hindi daw kase sumasagot sa text at tawag niya. Ako naman nagulat, "alam pala niya yung number ko?" Nalaman ko lang na siya yun kase nagpakilala siya. So yun, nag-away daw sila ni kuya, nagselos kase dun sa ex nya na hanggang ngayon pala eh nakikipagcommunicate pa din sa kanya. Medyo matagal din kami nagkausap thru text. Mula nun, naging close na kami. Palaging magkatext, chika-chika. Minsan kahit wala nang masabi, text-text pa din kami. Tapos nagkakasundo din kami na lumabas, gumala sa mall, manood ng movie or movie marathon sa bahay, ganyan.

Mas lalo pang naging madalas yung paglabas namin nung naging busy na si Kuya. October kase nung nagstart na siya sa OJT nya. Lumuluwas siya sa Manila at umuuwi lang kapag weekends. Madalang naman na sila magkita ni Ara kase Saturday night dumadating si Kuya from Manila, then the next day, family day naman. Si Ara kase lumalabas halos every Sunday kasama yung buong family niya. Lumabo yung relasyon nilang dalawa, pero umabot pa sila ng one year. Naicelebrate pa nga nila yun eh.

Nung February, fiesta nun sa bayan namin. Hindi nakauwi si Kuya kase Tuesday nun eh, may psok siya. May konting handa sa bahay so ininvite ko si Ara. At dahil piyestahan nga, may inuman. Niyaya ko siyang magshots shots kasama yung mga pinsan ko. Pumayag naman siya. Ang hindi ko alam, mahina pala siya sa alak. O siguro dahil madami na din talaga kaming nainom.

Tipsy na kami pareho, kaya sabi ko sa kanya magsleep over na lang siya sa bahay, tutal pwede naman siya sa kwarto ko at pwede ko naman siyang pahiramin ng damit ko. So okay na, magkatabi kami sa kama that night.

Matutulog na sana ako pero naramdaman ko na parang yumayakap siya saken from my back. Hindi ko pinansin nung una, pero hinigpitan niya pa yung pagyakap niya. Aaminin ko, medyo nakaramdam ako ng init nun. Hinayaan ko siya, tapos hinila niya ko para mapaharap sa kanya. Yung sumunod na nangyari, alam niyo na.

Nagkiss kami. 😱🙈 Guilty, happy, inlove, hindi ko alam kung anong naramdaman ko nun. That night, natulog kami na naka-hug sa isa't-isa.

The next morning, feeling awkward pero parang walang nangyari nung gabi. Casual lang siya, nagpaalam pa saken. Pero may pahabol na kiss sa pisngi. Hindi ko alam kung may malisya ba yun o wala.

Part1 pa lang ng confession ko 'to admin. Medyo mahaba na. I will continue my story sa susunod na confession ko, pero may tanong ako. Ititigil ko na ba ngayon pa lang, o ilalaban at itutuloy ko?

-J

Girlfriend ni KuyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon