Part 4

2K 19 0
                                    



Gulat pa rin ako sa nakita ko. Umiiyak si Ara, hindi ko alam kung paano siya icocomfort. Tapos nakakaguilty din kase ako yung kapatid ng gumago sa kanya. Kahit wala naman akong kinalaman sa nangyari, feeling ko may responsibilidad pa din ako.😞

Umiisip ako ng posibleng dahilan sa likod ng mga pictures... baka naman close friends lang sila? O baka... hayy, wala talaga eh. Kahit saang anggulo tingnan, sobrang sweet nila. Sa unang tingin pa lang di mo matatanggi na may relasyon silang dalawa.

That time, nakaramdam ako ng galit kay Kuya. Bakit naman siya ganun? Ano bang ginawa ni Ara para lokohin at saktan niya? Maganda naman si Ara, mabait, masipag sa school. Academic awardee pa nga siya, at nakakuha ng Best Thesis Award sa batch nila. Hindi man lang niya naisip si Ara.

Nakakaramdam pa nga ako ng guilt before dahil dun sa nangyari nga samin ni Ara nung fiesta, pero narealize ko, deserved naman pala ni Kuya yun.😞 Siya yung tipo ng taong takot sa sariling multo. Nagalit at nagselos siya kay Ara nun dahil may communication pa sila ng ex niya, kahit wala namang malisya yun. Pinag-isipan niya si Ara nung mga bagay na siya naman pala ang matagal nang gumagawa.

Pero, ang kelangan ko sa ngayon eh ang icomfort si Ara. Kaya ang naisip ko lang na sabihin, "Nag-usap na ba kayo ni Kuya? Baka naman may paliwanag siya dun, kaya may mga pictures na ganun." Nagawa ko pa din siyang i-defend kahit alam kong hindi na niya kelangan magpaliwanag kay Ara.

Ara: "Ni hindi man lang nga siya nagpaparamdam saken. Nung January pa siya nag-umpisa maging ganyan. Nag-anniversary lang kami, parang pinatapos lang niya yung isang taon. Hindi na siya nagtetext saken, bigla na lang siyang hindi nakipagcommunicate. Tinatawagan at tinetext ko siya pero hindi siya sumasagot."

Wala akong masabi 😔

Ara: "Sana sinabi na lang niya saken yung totoo. O kaya sana nakipagbreak na lang siya, para may closure kami. Hindi yung ganyan."

Speechless pa din ako. Hindi kase ako magaling sa pagpapayo. Comforting words, olats ako pagdating sa mga ganyan. Chineck ko yung time, malapit na din mag10, baka hinahanap na ako ni Mama. Gusto ko magstay sana para samahan si Ara, pero kapag nagtagal pa ako dun, alam kong may something na naman na magagandap, kaya sinabi ko na lang sa kanya: "Kelangan niyo mag-usap ng personal ni Kuya. Ita-try ko din na kausapin siya ha. Labas tayo bukas, gusto mo?"

Ara: "Uuwi ka na ba?"

Me: "Baka tumawag na si Mama eh. Sabi ko saglit lang ako. Puntahan kita ulit bukas, or labas tayo, okay lang?"

Ara: "Sige. Basta bukas ha? Promise?"

Ayokong iwanan si Ara, pero baka ako ang malintikan eh. Naaawa ako sa kanya. Kung hindi lang sana awkward, nayakap ko na sana siya.

Nagpaalam na ako, tapos diretso uwi, pero naiwan yung isip ko dun sa bahay nina Ara.

Nagkatext pa din kami pag-uwi ko sa bahay, pero parang wala naman siya sa mood magreply. Maikli lang kase mga sagot niya. Kaya sabi ko magpahinga na siya at wag masyadong mag-isip. Kelangan din magpahinga ng mata niya.

Di ako makatulog that night kase iniisip ko yung nangyari sa kanya. Sobrang sakit siguro nun. Parte ng isip ko eh masaya, kasi syempre ibig sabihin nun may chance na talaga yung "kami." Pero mas malaki yung part na nalulungkot ako. Hindi ko naman winish na magkaganito sila para lang maging masaya ako. At tsaka sa itsura ni Ara kanina, nasasaktan din ako. Ayokong makita siyang ganun.

Hindi ko matandaan kung anong oras na ko dinapuan ng antok. Basta nagising na lang ako dahil sa alarm ko, at sa dami ng text ni Ara the next day.

Girlfriend ni KuyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon