Part 2

2.9K 28 3
                                    


Madaming nagsabi na bitin daw yung first part ng confession ko,😅 kaya andito ulit ako para ituloy ang story namin ni Ara. May ilang nainis, kase hindi ko na daw nirespeto si Kuya ko. Meron din namang karamihan na nagsabing ituloy ko daw at ilaban kung anong meron samin ni Ara.

Gusto kong ituloy yung story para hindi nyo naman ako ijudge agad. 😊 Hangga't hindi niyo malaman yung buong story, ako talaga ang magmumukang traydor dito.😅

After nung pangyayari during fiesta (the hug-and-kiss that night drama), hindi nagparamdam si Ara saken. Nagtext ako one time sa kanya, two or three days ata after nung piyesta, to say good morning, pero walang reply. Hindi na lang ako nagtext ulit kase sa isip ko, baka hindi niya nagustuhan yung nangyari, at baka ayaw na niya akong makausap. More than a week na walang tawag, walang text.

Tinatanong na din ako ni Mama kung bakit hindi daw siya bumibisita o bakit hindi na daw kami masyado lumalabas. Dati kase, halos every afternoon dumidiretso siya sa bahay. Nagnenetflix kami or minsan food trip. Sabi ko na lang kay Mama nagthethesis siya at busy sa school projects kaya walang time lumabas.

Nung weekend after the fiesta, umuwi si Kuya. Nakikiramdam ako sa kanya. Baka kase nakwento ni Ara yung nangyari samin, kaya medyo kinakabahan ako. Pero parang wala naman, as in wala siyang alam dun. Sa totoo lang parang wala na din siyang alam tungkol kay Ara. Ganun na ata talaga kalabo yung relasyon nila; may relasyon pa nga kaya sila?

I was hoping na bibisita man lang si Ara that weekend sa bahay, kase matagal din silang hindi nagkita ni Kuya, pero walang paramdam talaga. Napilitan tuloy akong magtanong sa kuya ko para magkaroon man lang ako ng clue about kay Ara. Tagal kong nag-isip kung paano ko matatanong kay Kuya yung about kay Ara, but finally, "Kuya 'To, hindi ba naaabot sayo ni Ara yung damit na hiniram niya nung piyesta? Hindi pa kase niya nasosoli saken."

Kuya: "Hindi naman."
Me: (shet, ang tipid ng sagot) "Hindi pa ba kayo ulit nagkita? Paki-tanong naman sa kanya, text mo siya."
Kuya: "Ikaw na magsabi, ikaw may kelangan eh."

Oops. Parang may iba yata. Sila pa kayang dalawa? Ayoko naman itanong. Baka magtaka si kuya eh. Hindi ko na nabanggit ulit si Ara after nun.

The following week, Wednesday or Thursday ata yun, nakatanggap ako ng text galing sa kanya. Around 8:30pm siguro yun. Sa text nya, binanggit niya lang pangalan ko, tas may emoji na ganto: 😢. Nagreply ako, "Bakit?" Walang sagot. "Anong nagyari?" Text ko ulit. Walang sagot. "Ara naman..." Wala pa din siyang sagot, so tinawagan ko na.

Apat na ring siguro bago niya sinagot. Kaya naman pala, umiiyak siya. Hindi siya halos makaimik. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. 😔 Pero parang sobrang sakit nung dahilan. Yung iyak niya, yung hikbi lang ang naririnig ko, parang pati ako nasasaktan. Tinanong ko siya, "Okay ka lang ba? Gusto mo ba ng kausap?" Tahimik lang siya. 2 minutes siguro bago siya nagsalita. "Punta ka naman dito sa bahay. Puntahan mo 'ko, please."

Hanggang dito na lang muna ulit mga Bes. Gusto ko pang magkwento pero nakakangalay na magtype. Give me a day para sa next part ng story.

Pero tanong ko lang, kung kayo sa lugar ko, pupuntahan niyo ba si Ara?

-J

Girlfriend ni KuyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon