Part 3

2.3K 21 0
                                    


Itatry kong tapusin ang story namin ni Ara, pero mukhang malabo. Medyo mahaba pa eh. 😅 Ayoko namang ipilit lahat yung pangyayari sa isang confession lang.

So yun...

Tulad nga ng gustong mangyari ng karamihan, at dahil tao lang din naman ako at mahina pagdating kay Ara, pinuntahan ko siya. Nagpaalam ako kay Mama na bibili lang ako ng makakain sa 7/11. Medyo maaga pa din naman so pinayagan ako. Yung bahay nina Ara ay at least 15 minutes from our house kung sakay ng tricycle. Ang lakas ni Ara saken, around 8:30 siya nagtext saken pero andun na agad ako sa kanila, wala pang 9. Nagjacket at pants lang ako tas gora na agad.

Nung dumating ako sa bahay nila, andun yung Mama at bunsong kapatid niya sa salas. Sinabi ko na lang na may kukunin lang ako kay Ara kaya ako napadaan.

Tinawag ng Mama niya sa Ara, pero nasa kwarto lang siya. Sumigaw lang siya para sabihin na paakyatin na lang ako. Medyo kilala ko na din naman yung family niya dahil alam nilang very close at lagi kaming lumalabas ni Ara, at dahil ako ang kapatid ng boyfriend niya. (Ouch)

Pumasok ako sa kwarto niya, nakahiga lang siya, pero tumahan na siya. Halata sa muka niya na kakagaling lang niya sa pag-iyak. Messy pa yung buhok niya, pero maganda pa din siya.

Umupo ako dun sa office chair na nasa may desktop niya. Hindi ako umiimik, nahihiya din kase ako sa kanya. Mukang wala din siyang balak na umimik. Pero after few minutes, inumpisahan din niya.

Ara: "Ready ka ba magshots? Inom tayo."
Me: "Hala, ngayon? Naku, hindi ako pwede. Hahanapin ako ni Mama. Takas nga lang ako eh."
Ara: "Sayang, treat ko pa naman sana.."

Hala, tapos parang naiiyak na naman siya.

Me: "Okay ka lang ba?" Gusto ko sana lumapit sa kanya, pero awkward kase yung feeling. So stay lang ako sa chair. May nagawa na akong mali before kaya papakabait na ako muna.

Nung tinanong ko siya nun, dun na tumuloy yung iyak niya. Mahina lang siya umiyak eh. Yung ganung iyak ang totoong masakit. Yung hikbi lang niya yung naririnig ko ulet. Maya-maya, sabi niya saken; "Tingnan mo yung pc ko, nakaopen naman yan."

Nagtaka ako, pero ginalaw ko na lang yung mouse, then nag-on yung monitor ng pc niya. "Open mo sa facebook," sabi niya. Go naman ako kahit hindi ko alam kung bakit. Pag-open ko dun, profile ng fb ni kuya ang naka-log in.

"Punta ka sa photos," sabi niya. Sige lang ako. Di ko magets pero tuloy lang ako nung sinabi niyang i-scroll ko daw dun sa mga mas lumang photos. Then boom! Shet. May apat na albums siguro yun from 2017 na inupload siya. Puro sweet photos... pero hindi si Ara ang kasama niya. Ibang babae. First time ko nakita.

Merong isang album, nasa Kamay ni Hesus sa Lucban sila. Merong isa, kumakain sila sa resto somewhere, isang album pa na nasa Laguna sila, tapos meron din road trip pictures tapos kasama yung kabarkada ni kuya tsaka si ate girl.

Sa Timeline photos niya, may nakita din akong ilang pics na magkasama sila, may magkaakbay, holding hands, ganun. Pero sa lahat ng mga albums at pictures na yun, naka-edit yung privacy settings... "Who should see this?" > Friends except... tapos nung na-open ko, naka-mark yung account ni Ara, account ko, ni Mama, mga pinsan ko, yung mga tita at tito ko na friends namin ni kuya sa FB, maski yung Mama at bunsong kapatid ni Ara, at ilang kamag-anak pa nila. Sa ilang pictures, naka-tag pa si ate girl, tapos yung name niya sa facebook, yung Chinese characters. 😑 Jejemon. Diko mahanap kung anong totoong pangalan niya.

Chineck ko yung pinakalumang album na na-upload ni kuya kasama si ate girl, nakita ko July 14, 2017. Hala. Shet. Shookt ako. January 2017 naging sila ni Ara diba?

Oops. Hanggang dito po muna ha? Sensya na mahina ang kalaban. Tinatry ko naman magtype ng mabilis, 😥 give me one more day para sa next part plsssss. 😊

Pero pakisagot po ng tanong ko; may iba na pala si kuya since July 2017 pa, so sino pala ang cheater sa kanila ni Ara?

-J

Girlfriend ni KuyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon