Part 7

1.5K 18 1
                                    




Bukod pa sa ginawa ni Jeya, nagsumbong pala siya kay Kuya last night about sa pagmemessage ni Ara sa kanya. Inaaway daw siya ni Ara, at pupuntahan pa nga daw kinabukasan para sugudin daw siya bahay. Bagay nga sila ni Kuya, mga sinungaling. Maayos naman silang nagkasundo ni Ara eh.

Eto namang si Kuya, hindi man lang kinausap si Ara. Si Jeya na lang ang nagsabi kay Ara na pauwi na daw si Kuya from Manila dahil alam na daw niya yung about sa ginawa ni Ara, at galit na galit daw si Kuya. Bumyahe pa talaga si Kuya ng madaling araw para umuwi dahil sa isang sumbong lang ni Jeya? At nagawa niya pa talagang umabsent ng Friday sa OJT niya dahil dun?

Kaya etong si Ara, umalis na kina Jeya at dumiretso na lang sa bahay namin. Hindi ko naman alam na kasunod pala niyang dadating din si Kuya. Around 10 siguro nung dumating si Kuya. Hindi siya umiimik, at lalo pang pumangit ang mood niya nung makita niya si Ara sa salas.

(Not the exact words he said)
Kuya: "Bakit mo naman sinugod sa kanila si Jeya? Hindi ka na nahiya dun sa tao, wala naman siyang kasalanan sayo. Ang kulit mo din eh noh? Diba hiwalay na tayo?"

Dito nagsimulang uminit ang dugo ko.
"Wag mo naman sigawan si Ara. Alam mo ba yung buong istorya? Bakit hindi yung Jeya ang kausapin mo?"

Kuya: "Wag ka ngang makealam samin."

Nagwalk out si Kuya. I guess pupuntahan niya si Jeya.

Bwisit na biwisit ako sa kanya. Pag-alis na pag-alis niya, tinext ko lahat ng gusto kong sabihin kay Kuya. Alam kong wala akong ibang chance na makausap siya sa personal at sabihin lahat 'to.

"Kuya, sana sinabi mo na lang kay Ara nung umpisa pa lang. Sa ginawa niyo, parang pinagkaisahan niyo siya. Di na kayo naawa. Hindi mo naman pala sya kayang alagaan, sana hindi mo na lang siya niligawan nung una palang. Kung lalaki lang ako Kuya, kukuhanin ko si Ara sayo. Pero wala na rin naman akong kukunin sayo, dahil wala na kayo, so hindi mo na din ako mapipigilan pagdating sa kanya."

Walang reply si Kuya. Nagtext ako ulet.

"Sana maging masaya kayo, sana masaya ka sa desisyon mo. Wala ka nang Ara na babalikan."

Bumalik ako sa salas kung saan andun pa rin si Ara, hindi pa rin tumatahan. Madami na siyang nasayang na luha kay Kuya. 😞 Sa nakikita kong itsura niya, pati ako nasasaktan.

"Halika, labas tayo." Bahala na, kahit wala akong idea kung saan siya pwedeng dalhin para makatakas naman sa lahat ng nararamdaman niya, basta sasamahan ko siya. Tutulungan ko siyang makalimot kahit sandali lang.

Una ko siyang dinala sa National Bookstore. (Sorry na, wala talaga akong idea kung saan siya dadalhin.) Hinila ko siya dun sa favorite section ko, Science Fiction. Mahilig din pala siya sa books. Halos lahat ng books na binasa ko, nabasa na din niya. Pero sabi niya, hindi daw siya mahilig bumili ng books dun, mahal kase. So dinala niya ako sa Booksale. Dito daw siya madalas magtambay after school. Dun din siya bumibili ng mga secondhand books.

Nagrecommend siya saken ng isang author na magaling daw, si Marilyn Kaye, at basahin ko daw yung mga books niya na kahit pang ages 9-14 eh nakaka-amaze daw. Ang cute niya eh.😅 Halos lahat yung mga books nung author na yun nabasa na din niya, at ipapahiram daw niya saken yung mga yun.

Habang nagkukwento si Ara, hindi ko mapigilan na isipin, ano kayang sumagi sa isip ni Kuya at nagawa niyang lokohin si Ara? Sana ako na lang yung unang nakilala ni Ara...

Pagkatapos sa Bookstore, hinila niya ako sa World of Fun. Oo, sa SM lang talaga kami buong maghapon. Nagbasketball, car racing at shooting games lang kami. Para siyang bata. Tawa ng tawa. Lakas ng boses. Hindi nauubusan ng kwento. Madaldal. Nakakainlove yung pagiging natural niya.

Huling spot namin ay yung Karaoke. Halos 1 hour namin nagamit yung isang room. Kumanta kami ng more than 10 songs, at gusto niya pa magkaduet kami sa lahat ng kanta. Hindi naman ako nakapagrehearse.😅

Simple lang ang naging araw namin. Wala akong malaking budget para dalhin siya sa mga lugar na napuntahan nila noon ni Kuya. At hindi ko din naman siya dadalhin sa mga lugar na yun, dahil gusto ko nga eh makalimot siya. Pero kahit ganun, nakita ko kung gano nag-enjoy si Ara. Napakasimple niya. Mga maliliit na bagay lang ang nakakapagpatawa sa kanya.

Bago umuwi, nagkwek-kwek pa kami sa bayan. 😅 Si Ara... yung mga kilos niya, hindi ko ba alam kung bibigyan ko ng malisya o hindi. Habang kumakain kase, natalsikan ng sauce yung eyeglasses ko. Tinanggal niya yun at pinunasan, tsaka ibinalik ulit sa mata ko. Nagtali siya ng buhok niya, tapos pinagtali niya din ako kase sabi niya para hindi daw kami mag-amoy usok. Tapos nun, hinahawakan niya 'ko sa tagiliran ng bewang ko, tipong inaalalayan, nung medyo dumami yung taong bumibili sa likod namin. Hinila at kinabig pa niya ako para umiwas dun sa mga nagsisiksikan. Nung naglalakad kami papunta sa sakayan ng jeep, nakahawak siya buong time sa wrist ko. (Bakit hindi pa sa kamay?) Gusto kong hawakan yung kamay niya, pero nahihiya ako.🙈

Hinatid ko siya bago ako umuwi. Bago ko siya iwanan, may pabaon pang hug si Ara.😅 Enebe. "Thank you sa lahat ha," sabi niya.

Nung gabing yun, masayang-masaya ako. Madaming pangit na nangyari, pero at the end of the day, nakita ko pa din na masaya si Ara. Knowing na ako ang dahilan sa mga ngiti niya ngayon, sobrang sarap sa pakiramdam. Nagtext text pa kami at konting kwentuhan bago matulog, hanggang sa magtext siya saken ng, "Goodnight J... Salamat kase kahit hindi maganda yung umpisa ng araw ko, natapos pa din ng sobrang saya. Sige tulog na ko, tulog ka na din. Wag ka magpuyat. 😘"

Feeling ko lulubog ako sa kinahihigaan ko at mahihimatay sa kilig. Pero simpleng "Welcome. Wala yun. 😊Goodnight, rest ka na din." lang ang nireply ko. Ayoko bigyan ng meaning eh, baka masyado naman akong mag-assume sa simpleng text na yun. Pero hindi ako makatulog that night. Paulit-ulit kong binabasa yung mga text namin sa isa't-isa bago siya natulog. Lalo na yung huling message niya. Hinahanapan ko ng dahilan para mabigyan ko ng malisya yung text niya na yun. Baka naman... baka lang.. baka may ibig sabihin siya dun.

Past 1am na pero gising pa din ako. Mahirap palang kiligin kahit wala pa namang basehan. Pero masaya din naman. Hindi pa rin ako dalawin ng antok.

Nagtype ako ng message sa phone ko.. para kay Ara. Natype ko na.. pero hindi ko alam kung isesend ko ba. Nakatitig lang ako, nagdadalawang-isip, hanggang sa huli sabi ko, sige na nga, I'll take the risk.

Message sent!

"Ara.. sa tingin mo, may pag-asa kaya na maging masaya tayo together?"

-J

Girlfriend ni KuyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon