Part 8

1.9K 40 7
                                    



"Ara.. sa tingin mo, may pag-asa kaya na maging masaya tayo together?"

5 minutes... 10 minutes... 15 minutes... Naghintay ako pero wala akong natanggap na reply ni Ara. Medyo tanga din naman ako, tulog na nga yung tao diba, bakit ba kase ngayon lang ako nagmessage? Parang gusto ko tuloy bawiin yung naitext ko sa kanya. 😩 Kahit hindi ko kaharap si Ara, nakaramdam ako bigla ng sobrang pagkahiya. Ano na lang iisipin ni Ara? 🙁

Around 2am na ata nung nakatulog ako, hindi ko na namalayan. Napasarap ang tulog ko, nagising na lang ako nung morning nung magpaalam si Mama na papunta na siyang work at sinabing magbreakfast na daw ako.

Nicheck ko yung time sa phone ko, 😱😱😱 may dalawang text si Ara! Medyo kabado pa ako habang inoopen ko yung message niya.

"Oo naman J... Sa tingin ko oo. Ngayon pa nga lang masaya na ako eh, pano pa kaya kung totoo na.😅 Minsan natatanong ko din yan sa sarili ko. Bakit mo naitanong pala?"

Tapos yung sunod na message:

"Bakit gising ka pa? Diba sabi ko wag kang magpuyat? 😡 Pagusapan natin yan mamaya, punta ako diyan mayang morning. 😘"

2:47 am nung nagreply siya. Dapat pala hindi ako natulog agad. 🙁 Sana napag-usapan pa namin ng mas mahaba yung tungkol dun...

Pero yung sagot niya bes... simpleng text lang naman pero bakit parang hihimatayin na naman ako sa kilig.🤣😍 Ara naman kaseeee...

Bumangon ako agad para maligo. Nagtext muna ako ng "goodmorning. See you later, thanks sa goodvibes pagkagising ko.😊"

After ko maligo, may reply si Ara, "Goodmorning J.... Mas magugood vibes ka siguro pag nakita mo 'ko. 😊 Nasa tricycle na ako papunta diyan. See you!😘"

Bakit ba kinikilig ako sa tuwing binabanggit niya yung pangalan ko kahit sa text lang? Dumating siya after more than 15 minutes siguro, sakto lang para makatapos akong magbihis.

Ang ganda pa din ni Ara... Ganun yata talaga kapag mahal mo yung tao, maganda at gumaganda siya sa paningin mo...

Oo, I guess mahal ko na si Ara. Yung pakiramdam na gusto ko na siyang ipagdamot, lalo kay Kuya.. sa mga taong nanakit sa kanya... Yung pakiramdam na gusto ko ako na lang yung lagi niyang kasama para masaya siya. Selfish na, oo, pero ayoko nang makita ulit siyang umiiyak. Hindi ko na hahayaang mangyari ulit yun.

Pumasok siya sa bahay, may dala pa siyang pagkain. 😍😍😍 Bakit ba kase sobrang sweet niya? 😭 Naka-points na naman siya dun. Sabay kaming nagbreakfast ni Ara. Habang kumakain kami, ang dami na naman niyang kwento. 😅 Parang hindi siya nauubusan ng chika.

After namin kumain, diretso lang kami sa kwarto. Sabado naman ngayon, wala akong class, at kadalasan maghapon lang ako sa bahay. Either magmovie ako or matutulog. Si Mama at Papa, parehong nasa work.

Buong araw kaming nagbabad sa Netflix ni Ara, nood ng Grey's Anatomy maghapon. 🤣 Same sweet Ara pa din siya. Nakahiga siya sa tiyan ko habang nanonood kami, tapos nilalaro-laro at hinahawakan niya yung kanang kamay ko na malapit sa kanya.

Hindi niya nabanggit yung tungkol sa text niya kaninang madaling-araw. Buti na lang, kase hindi ko alam kung anong isasagot ko tungkol dun. Pinagsisisihan ko na nga kung bakit ko pa naitext siya ng ganun. 5pm nung nagpaalam siyang uuwi na daw. Dadating na din kase si Kuya soon. Saturday siya umuuwi from Manila eh. Ayaw ko din na magkita pa sila, kaya kahit ayaw ko na umalis siya, pumayag na din ako.

Hinatid ko si Ara sa may gate, gusto ko sana ipagpara pa siya ng tricycle, pero ayaw naman niya, okay lang daw siya. Akala ko nakaligtas na ako eh, pero naopen pa din niya yung topic na biglang ikinakaba ko. "Yung paguusapan nga pala naten, muntik na mawala sa isip ko," sabi ni Ara. Patay malisya naman si ako. Kunwari diko maalala.

Girlfriend ni KuyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon