Part 6

1.6K 22 0
                                    



Unti-unti kong narealize na naging pansamantalang saya niya lang pala ako nung gabing yun. Pantapal sa sakit na naramdaman niya nung sandaling yun. Pero moment ni Ara 'to, siya ang nasasaktan dapat, hindi ako. So yeah, sinantabi ko lahat ng mga iniisip ko.

Pero last night pala, after ko siyang iwanan sa bahay nila, ini-add niya sa Facebook si Jeya at minessage niya. Nagpakilala siya, bilang girlfriend ni Kuya Toto at tinanong kung anong meron sa pagitan niya at ni Kuya.

Walang takot sumagot si Jeya na girlfriend daw siya ni Kuya, at kilala niya si Ara. May 18, 2017 nung naging mag-on sila ni Kuya, pero nangako daw si Kuya sa kanya na gagawan niya ng paraan yung sa kanilang dalawa ni Ara. Nung January pa daw nagbreak si Kuya at Ara, yun ang sabi sa kanya ni Kuya Toto.

Napakabastos naman pala talaga ng kapatid ko. Napaka-sinungaling. Pero napagtanto ko, hindi kaya sinadya ni Kuya yung pagkawrong send niya last time kay Ara? Hindi kaya, yun ang sinasabi ni Kuyang nakipagbreak na siya kay Ara? Ang galing naman, ginawan nga talaga niya ng paraan na magbreak sila ni Ara. 👏

Hindi masyadong humaba yung usapan nila sa chat, pero nakipagsundo si Ara na makipagkita kay Jeya the next day.

And this morning nga, pinuntahan niya si Jeya sa bahay nila. Hindi para awayin, kundi para kausapin siya ng maayos, para alamin lahat ng bagay na hindi nasabi sa kanya ng harapan ni Kuya dahil nga bigla na lang hindi nagparamdam si Kuya sa kanya.

Akala ko naman may kabutihang loob si Jeya. Akala ko pareho lang silang biktima ni Ara, pero hindi naman pala. Pumasok siya sa relasyon with Kuya Toto kahit alam niyang may girlfriend yung tao. Umpisa pa lang, alam na niya actually. Pumayag siya sa pangako ni Kuya na makikipagbreak siya kay Ara soon. Kung matinong babae siya, sana nag-isip naman siya.

Si Kuya naman, sana nakipaghiwalay na lang siya noon pa, sana sinabi na lang niya yung totoo...

Tapos, eto palang si Jeya, ni hindi man lang pinapasok at winelcome si Ara sa bahay nila. Willing naman makipagusap ng maayos yung tao. Siya pa ang galit at nagsabing wala sa kanya ang kasalanan, na wag na daw ipilit ni Ara kase siya naman ang talo.

Awang-awa ako kay Ara. Si Ara ko... 😞Umiiyak siya sa buong time na nagkukwento siya saken. Hindi ko lubos maisip na si Kuya ang dahilan ng pag-iyak niya na yun... nakakainis. Sobra. Akala ko matinong tao si Kuya eh.

Nung moment na yun, naiiyak na din ako, pero pinigilan ko. Pero sa wakas, dun ako nagkalakas ng loob na icomfort at ihug siya. Ara naman kase... 😞 Hinug ko siya sa balikat niya, tapos nagsorry ako kahit hindi ko alam kung bakit, habang siya tuloy pa din sa pag-iyak.

Totoo nga pala, sa panahon ngayon, mga kabit pa ang mas matapang. Hindi ko kinaya ang mga sinabi na yun ni Jeya kay Ara, pero ang mas hindi ko kinaya... eh yung mga susunod na ginawa ni Kuya.

-J

Girlfriend ni KuyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon