CHAPTER 1

201 2 0
                                    

Excited si Aya sa bago niyang negosyo kaya madaling araw pa lang ay gising na ito.Nagulat pa siya ng tumunog ang kanilang telepono.

"Hello!"

"Hi friend this is Dennis.I heared about your business, wow friend! I can't imagine your dream come true...wow!" masayang bati nito.

Halos hindi ito makapaniwala sa nangyari sa bago nitong business.

Tumawa ito."Come on Den parang wala ka namang tiwala sa akin porket pasaway ako noong nag-aaral pa tayo wala na akong karapatang umasinso.Ayoko namang biguin si Dad kahit flower shop lang itong ipinatayo ko at least in my own way ko tong ginawa pawis at dugo ang inalaan ko dito no!" sabay tawa ng malakas.

"Bruha!" tumawa rin ito sa kabilang linya.

Si Dennis ang bestfriend niya simula elementary until now.Noon kasi pasaway siya sa pag-aaral nito palagi ito nag-cucutting sa klase at lagi din siyang pinapagalitan ng Daddy niya, pero ang Mommy niya tahimik lang ito sa tabi paano sunud-sunuran lang ito sa Daddy niya naawa na nga siya sa Mommy niya.Kaya ito siya ngayon tumayo ng sariling business kahit maliit lang.Ang punto lang niya ay hindi siya maging kaawa-awa sa mata ng kanyang ama pero nagkamali siya, halos nanliit ang kanyang ama sa kanya kasi sa dami ng business na pinatayo niya ay ang simpleng flower shop lang ang nakaya ng bulsa niya,pero may awa ang Diyos alam niya kahit maliit lang ang negosyo niya alam niyang aasenso din ang neosyo niya sa tulong ng kanyang sariling kakayahan at ng kanyang ina at kanyang mga kaibigan lalo na sa kanyang bestfriend na si Dennis at heto siya ngayon supportive ito sa kanya pati ang kanyang Mommy.

"Aya halika na at handa na ang almusal mo, ayokong ma-late ka." sabi ng kanyang ina na si Amalia.

"Yes mom! sandali lang po!"

"Wow pati si mother mo supportive, sana pati ang Daddy mo friend!"

Bumuntong hininga muna siya bago sumagot.

"I hope so, sana darating din ang araw na maging proud siya sa akin." malungkot niyang sabi.

"Hey friend! dont be aware of that darating din ang araw na matanggap din ng Daddy mo ang gusto mong gawin sa buhay mo! so cheer up! sige ka baka malugi kaagad ang negosyo mo!" pananakot nito sa kanya.

"Yan ang hinding-hindi mangyayari no!"

Tumawa lang si Dennis sa kabilang linya.

"Sige friend baka magalit si Tita sa akin dahil hindi pa kita pinapakawalan sa telepono niyo.!" sabay tawa nito

"Sira!" sagot naman niya.

"Bye friend kita-kits nalang tayo mamaya." paalam nito

"Bye!" paalam din niya sa kaibigan at binaba ang telepono, iiling-iling itong pumunta sa ina niya.

"Si Dennis ba yun?" tanong ng ina niya.

"Yes Mom!" sagot naman niya

"Si Dad Mom" tanong niya

"Umaga siyang umalis dahil busy daw siya sa company business niya.Alam mo naman ang Daddy mo palaging busy." sagot ng ina niya.

"Ganun ba Mom." malungkot niyang sabi.

"Ganun na nga anak, pero huwag kang mag-alala kahit ganun ang ama mo alam kong proud din yun sayo." pag-aalo ng kanyang ina sa kanya.

Ganyan ang kanyang ina palagi ng pinagtatakpan ang kanyang ama pero alam niya sa puso't isip niya na malabong mangyari ang inaasam niya.Ang gusto kasi ng Daddy niya ay sumunod ito sa yapak niya na maging isang president ng kanilang companya pero hindi niya ito sinunod, muntik pa nga siyang palayasin nito sa bahay nila kung hindi dahil sa kanyang ina. Naalala niya ang nangyari noon.

My Love Exist From You (COMPLETED!!!!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon