CHAPTER 4

59 2 0
                                    

Dumating na ang delivery ng kanilang mga bulaklak kasama na doon ang inorder ni Van kaya maaga pa siyang pumunta sa shop.Naabutan niya si Karen na nag-aayos ng mga bagong dating na bulaklak.

"Karen nakahanda na ba ang lahat para sa delivery natin kay Van?"

"Wow Ma'am Van na pala ang tawag mo sa kanya ha! hindi na Mr.Martinez." tukso nito sa kanya.

"Karen, wala ako ngayon sa mood kaya huwag mo ng dagdagan pa ang init ng ulo ko." pagsusungit nito sa dalaga."

"Sungit naman." nakanguso nitong sabi.

"Karen!" himig na pagabanta nito.

"Oo na po bibilisan ko na." sagot naman nito.

Wala talaga siya sa mood dahil makikita na naman niya ang pagmumukha ng binata.

"Malaki pala ang kompanya ng loko." sabi nito sa sarili

Papasok na siya ng batiin siya ng isa sa mga gwardiya ng gusaling iyon.

"Good morning ma'am!" masiglang bati nito sa kanya.

"Good morining too,nandiyan ba si Mr.Martinez?" tanong niya dito.

"Yes ma'am, para ho ba yan kay sir Van?"

"Yup! para ito sa kanya." nakangiti niyang sabi

Nagulat siya dahil abot tenga ang ngiti nito dahil sa pagkasabi niyang para kay Van ang bulaklak na dala niya.

"Delivery ito para sa kanya." sabi nito sa gwardiya baka kasi isipin nito na girlfriend siya ng amo nila...huh

"Ay ganun po ba." pagkadismaya ang nakita niya sa mga mata nito.

"Sige po salamat."

"Yes ma'am, your welcome!" sagot naman nito.

Wala ba itong girlfriend na bumibigay na bulaklak sa boss  niya? so pakialam ko labas na ako dun! sabi ng isip niya.

Eh bat parang interesado ka kung may girlfriend ito o wala? kontra naman ng kabilang isip niya.

"Ah ewan!" sabi niya, nagmukha tuloy siyang sira dahil nag-sasalita siyang mag-isa.

Nailang siya sa paligid dahil sa pagpasok pa lang niya sinalubong siya ng mga titig ng mga empleyado roon at nakangiti ito sa kanya.

Weird!

May lumapit sa kanyang babae mukhang sekretarya ito ng Van na iyon.

"Si sir Van po ba ang hinahanap niyo ma'am?" nakangiting tanong nito sa kanya.

"Yes! paano mo nalaman?" takang tanong nito sa babae.

"Matagal na po kasi niya kayong hinihintay na pumarito at ang mga bulaklak niyong dala, panay ho kasi ang tanong niya sa akin, excited po kasi siyang makita kayo." nakangiti pa ring sabi nito.

"G-ganun ba."

Hindi niya alam kung ano ang nararamdaman dahil bigla na lang bumilis ang tibok ng puso nito.

"Yes ma'am!"

"Dont worry dahil tapos na ang paghihintay niya dahil nandito na ang mga bulaklak niya." nakangiti rin niyang sabi.

"Oo nga po ma'am, tayo na po ihahatid ko na po kayo sa office niya."

"Okay."

Kumatok ito at pumasok, mga ilang segundo lang ay lumabas na ito sa opisina ng boss nito.

"Ma'am pwede na po kayong pumasok."

"Salamat."

"Sige po ma'am , nice to see you!" paalam nito sa kanya.

My Love Exist From You (COMPLETED!!!!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon