Panay ang tingin ni Van sa kanyang telepono pero wala pa ring tawag ng secretarya kung nandiyan na ang mga bulaklak na napadeliver niya.
"Shit!" napamura na siya sa inis
Tumayo na ito at kinuha ang telepono dahil siya na mismo ang tatawag sa Aya'F Flower Shop.
Sa kabilang banda naman.
"Karen anong nangyari? bakit wala pa rin ang mga bulaklak at bakit wala pa ring denideliver dito sa shop?"sunod-sunod niyang tanong rito.
"Ma'am Aya k-kasi po, k-kasi po---"
"Ano?" sigaw nito sa sobrang inis at hindi pa nito sinasabi ang dapat niyang sabihin dahil naiinip na siya sa sagot nito.
"Nawala ko po kasi ang cellphone ko, hindi ko po alam kung saan ko nailagay kaya hindi ko po natawagan." sabi nito na mangiyak-ngiyak.
Nanlumo siya sa narinig na paliwanag nito.
Biglang tumunog ang telepono.Nagkatinginan silang dalawa pagkatapos tumayo na siya at dinampot na niya ang telepono.Huminga muna ito bago ito sumagot.
"Hello." sagot niya na kinakabahan.
"What happened?, bakit wala pa rin ang inorder kung bulaklak?Anong oras na lampas na sa oras ah! Bakit wala pa rin?!"
sabi nito sa galit na boses halos sigawan na siya nito at hindi niya ito masisisi.
"I'm sorry Sir." sincere niyang sabi.
"Sorry? yun lang ang sasabihin mo after what happened?, akala ko ba maganda ang service niyo?akala ko customer ang priority niyo! tapos ito ang mangyayari pareho din pala kayo ng ibang shop puro palpak, wala ring kwenta!' sabi nito sa galit na boses.
Nagpantig ang tenga niya sa narinig at hindi niya ito palalampasin.
"Excuse me Mr.Martinez, lahat ng sinabi niyo tinanggap ko pero sa sinabi mong wala kiming kwenta hinding-hindi ko yun palalampasin.Bakit ano ka ba dito sa mundo perpekto! wala kang karapatan para sabihin iyan sa akin dahil hindi mo ako kilala pare-pareho lang kayong mga negosyante masyadong mataas sa sarili wala kang pinagkaiba sa kilala ko katulad mo din siya Mr. Martinez!" sarcastic niyang sabi.
Napansin niyang natahimik ito kaya sinamantala na niya ang pagkakataon.
"Hindi ka namin pipilitin kung ayaw mo na sa serbisyo namin but dont worry SIR,diniinan talaga niya ang salitang sir " hindi kayo malulugi dahil ibabalik ko ang bayad mo at edidiliver ko sayo ng libre ang mga orchids mo, delay nga lang, walang bayad at ako mismo ang makakaharap mo, pasensiya na kung nabigo namin kayo sir I'm sorry bye!" bastusan lang pero naiinis talaga siya.,hindi na niya ito hinintay sa pagsagot ibinaba na niya ang telepono tapos tumingin ito kay Karen.
"Ano pa ang hinihintay mo tawagin mo na ang F.Com para maipadeliver ko bukas ang order ng Mr.Martinez na yun!"
"Yes Ma'am! pasensya na po ulit napahamak pa tuloy itong shop niyo dahil sa katangahan ko." malungkot niyang sabi.
"It's okay wala ka ng magagawa nangyari na ang nangyari."
"Pasensiya na po ulit."
"Sige na kilos na." sumaludo pa ito sa kanya.
Napangiti tuloy siya.Bumalik na lang siya sa opisina niya.Nainis siya sa Van na iyon.
Antipatiko! sabi ng isip niya.
"Oo nga pala pupunta pa pala ako sa mall,muntik ko ng makalimutan tsk..kainis talaga ang Van na iyon huh"
Ngayon lang siya dinadown ng isang babae at napagsabihan ng ganun.Tama ito hindi niya ito kilala kaya huwag muna niya itong husgahan.
BINABASA MO ANG
My Love Exist From You (COMPLETED!!!!)
Non-FictionMasama ang loob ni Aya sa kanyang ama dahil sa pamimilit nito sa kanya na pamahalaan ang kanilang companya, pero mas lalong sumama ang loob nito ng makilala si Van Martinez na mas mahal pa nito ang binata kaysa sa kanya na siya mismo ang sariling a...