· ꕥ · ──────
Dairy.
Halos matanggal na
ang mga mata ko sa
kakairap kay Bronze dahil
ang saya-saya niya habang
hawak-hawak ang kamay ko.
Kaya ko naman ang sarili ko
pero palagi niyang sinasabi
na baka maghiwalay daw
kami kaya mahigpit niyang
hinahawakan ang kamay ko."Anong ginagawa natin
dito? Date?" tanong niya
at nilapit sa akin ang video
cam niya pero busy ako sa
paghahanap kay The One.
Hindi ko alam ang itsura niya
pero mahahalata ko siguro
sa instinct ko at sa tingin sa akin.Kilala niya ako eh.
Hindi ko na inaalala si
Bronze sa kakadaldal sa
harapan videocam niya.
Siguro limang libro na ang
kwentong nakwento niya."Hindi ka pa ba nagugutom?"
"Bronze, kakakain palang
natin," paalala ko.
Awkward siyang tumawa at
napatigil nalang kami nang
tumunog ang phone ko.Tumatawag si Dad.
Agad ko itong sinagot.
"DAIRY ANAK HUHUHU."
"Dad?"
Napatingin sa akin si Bronze
at napatitig ako sa mga
mata niya habang hinihintay
ang sasabihin ni Dad.
Sumisigaw. Ibigsabihin,
may nangyari."HUHUHUHU DAIRY!!!"
Medyo nalayo ko ang
phone pero agad kong
binalik ito sa tenga ko."MAY DESSERT NA!"
"Huh?"
"DESSERT!"
"Uhh. Okay?"
Dessert?
Eh ano naman kung
meron nang dessert?
Ano ba 'tong si Dad."MAY BABY BOY NA
TAYO! BUNTIS MOM MO!"Napanganga ako at
naalalang gusto ni Dad na
Dessert ang pangalan ng
kapatid ko and what the.
17 years ang pagitan
namin ng kapatid ko."Omg."
Hindi ko alam ang irereact
ko pero masaya ako."NAGDADATE PALA KAYO
NI BABY TANSO MO.
SIGE BYE."Hindi pa ako nagpapaalam
ay pinatay na niya ang
tawag. "Buntis si Tita Cheese?"
Tumango ako at pumako ang
tingin ko sa isang lalaking
nakatingin sa akin sa hindi
kalayuan. Hindi ako magaling
magdescribe ng itsura pero
sa ngiti palang niya mukhang
kilala ko na siya."No One in the house,"
bulong ko at naglakad
palapit sa lalaki.
Nabitawan ko ang kamay
ni Bronze at kinawayan
ako ni One.Tama nga ako.
"DAIRY!!"
Bago pa siya makayakap
sa akin at hinawakan ko
ang noo niya para mailayo
ko siya sa akin."So, tama nga ako."
"Excuse me. Pero,
Baby Oil. Sino siya?"Okay. Paano
ko 'to sasagutin.