Present 97

590 22 42
                                    

· ꕥ · ──────

Dairy.

It's already 10PM and tulog
na sila Dad at Mom sa kabilang
kwarto. I don't know kung
tulog na sila or may kababalaghang
nangyayari mula roon.
Bahala sila.

Sila Tito Monie at Tita Gold
ay nasa bench at nakatingin sa
malaking buwan. Inaatake na
naman siya ng pagiging
makalimutin niya kaya kinukwentuhan
siya ni Tito Monie ng kwento
nilang dalawa.

And I'm here, sa harapan ng
kwarto ni Bronze. Hindi na kami
nagkita matapos ang mangyari
kanina sa pool at balita ko,
nag-eedit siya ng vlog namin.

Papasok ba ako?

Hindi na kumatok at
pumasok sa kwarto niya.
Langya naman. Ang lakas-lakas
ng aircon. "Kulang nalang
magsnow dito," bati ko habang
naglalakad palapit sa kanya.
Nakaupo siya sa kama at nasa
hita niya ang laptop. Basa
pa ang buhok niya.

WTF HOW COME NA
GANITO SIYA KAGWAPO?

"Halika." Kahit awkward
ako ngayon ay tumabi ako
sa kanya at nag-eedit
siya ng video.

"Matagal ka bang mag-edit?"
tanong ko at nagtama ang
paningin namin. Kitang-kita ko pa
rin ang mga mata niya kahit
tinatakpan ng basa niyang
bangs kaya bumilis na naman
ang tibok ng puso ko. Parang
tumakbo ako kanina.

Okay naiihi na ako.

"Oo. Pero kaya naman,"
sagot niya nang umiwas ang
paningin ko. I don't know but
all of a sudden parang pumasok
sa isipan ko na gusto ko na siya.
Kaya ito, parang baliw ang
nararamdaman ko at kung
ano ang iniisip ko.

"A-ah.. alis muna ako."

"Dito ka lang muna."

Inexpect ko na ganito pero
nagulat pa rin ako. Bumalik
ako sa pwesto ko at nagulat
kaming dalawa na sumandal
ako sa kanya habang pinanood
siyang mag-edit. After raw masave
ng video ay agad niyang
iuupload sa youtube.

Ang bilis niya palang
mag-edit pero sinabi niya matagal.

"Aaahhh ang lamig!" reklamo
niya pagkababa niya ng
laptop dahil saving ito.
Katatapos palang ng pag-eedit
niya at pasimpleng umunat
para mayakap ako.

Hindi ako nakaangal kasi
nanghina ako nang may yumakap
sa akin ulit. Actually ilang
beses niya na akong yakapin
pero 'yung nararamdaman ko
parang first time. "I really
missed you," bulong niya kaya
bumigay ako. Niyakap ko rin
siya at ang mga alaala namin
noong bata pa kami
ay nagsibalik.

"Is this true? Parang
panaginip lang," natatawang sabi
niya kaya napatawa ako.
Sana totoo. At mukhang totoo.

"I love yoㅡ"

Napahiwalay agad ako
sa kanya dahil may tumawag
sa akin. Unknown number.

"Panira 'yan ah. Hahahahhaahaha,"
sabi ni Bronze kaya natawa
ako sa reaksyon niya.
"Epal ah hahahahaha."

"Tumahimik ka. Baka importante 'to,"
natatawa kong sabi at sinagot
ang tawag. Nagmadali akong
lumabas ng kwarto hanggang
sa mapadpad ako sa likuran ng
lodging house at puno roon
ng mga ilaw at puno.

Dear Dairy (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon