· ꕥ · ──────
Dairy.
"Isang Shawarma
please," sabi ko sa
Cashier at agad niyang
pinrepare ang order ko.
Wala pang dalawang
minuto ay naibigay niya
ang Shawarma kaya
nagbayad na ako.Mag-isa lang ako sa
mall ngayon dahil
wala lang. Gusto ko
lang gumala.Umupo ako sa upuan
sa foodcourt at kinuha
ang phone ko. Wala naman
akong dapat gawin.
Tapos ko na reply-an ang
mga nagsend ng
letter sa app ko.Since natapos ko 'yun
kagabi. I planned
to treat myself.Scroll lang ako ng scroll
sa newsfeed ko sa fb. Puro
mga litrato ni Simon ang
nakikita ko. Kahit mga
epic, pinopost niya at may
caption na, gw4p0 aqOuh.
Sinong hindi maiirita
doon? Kaya in-angry
react ko ang lahat
ng post niya.Naalala ko ang tanong
ni One saakin. Paano kung
nakawin ang application
na ginawa ko?Hmm. Bakit ba siya
curious na curious sa
application ko? I mean
since day 1, ganun na siya.Nanakawin ba niya
ang application ko?Napailing ako dahil
baka nag-ooverthink
lang ako. Patuloy lang ako sa
pags-scroll hanggang sa
makita ko ang isang shared
post ni Weeya. About sa app ko.
Post ng Light Secret Files.Binasa ko 'yun na
napangiti ako. Ang saya
ko na maganda na ang feedback
ng app ko at noon ay low
ratings ang natatanggap ko,
ngayon ay naging okay na.
I guess I'm doing a great job.But.
May isang comment
akong nabasa.BOO! ANG GAWA PARIN
NI D'ONE ANG THE BEST! HIS
APPS ARE SO UNIQUE! MAGKAKAROON
DIN SIYA NG BAGONG APP AT
TATAOB DEAR DAIRY NIYO ULOLPumako ang tingin
ko sa D'One.Parang familiar ang
pangalan na 'yun ah.Nagsearch ako sa google
about doon at doon ko
nalaman na, gumagawa
siya ng maraming laro,
applications and maraming
sumusubaybay sakanya
na taga-ibang bansa.One?
Nakaramdam ako
ng galit. Halos masira
ang phone na hawak ko.
Hindi naman siya 'diba?Taga-ibang bansa.
Curious siya sa
application ko.
One.
D'One
The One."Okay, bullsht." Malinaw
na sa utak ko ang
pakay ni One. App developer
Siya at plano niyang
nakawin ang application ko!Binigay ko sakanya ang
tiwala ko tapos ganito.Nawalan ako ng gana
sa shawarma ko at napapikit
dahil sa sobrang galit.
Galit na galit ako na gusto
kong magwala ngayon.Pero knowing me, sa sobrang
galit ko, umiiyak ako.And ngayon,
umiiyak nga ako.Kaya ayokong
magtiwala sa iba eh.