· ꕥ · ──────
Dairy.
"Seryoso?! Hindi
pa niya alam?"Napairap ako kay
One na gulat na
gulat sa sinabi ko.
Pinatuloy ko nalang
ang pag-inom sa
Milktea ko.
Nag-aya siyang
makipagkita
kasi bored siya.
Hindi ko nahanap
si Bronze kasi
wala raw siya
sa bahay nila.Baka may
ginagawa lang.Or kung may
babae man, edi
doon na siya."Dairy! Hindi mo
pa nasabi na
may app ka sa
kababata mo?"Napabuntong ako.
Pero may biglang
pumasok sa isipan ko.Bakit palagi niyang
binabanggit ang
application na
ginawa ko? May pakay
ba siya sa
Dear Dairy ko?Parang narinig ko
na ang pangalang One.
Saan nga ba 'yun?"Hindi naman niya
kailangang malaman.""Dairy, may gusto
lang akong tanungin."
Naibaba ko ang kinakain
kong pandecoco at
balak na tanungin kung
ano ba talaga ang gusto niya
pero may tinanong siya ulit."Bakit mo ginawa
ang app mo? I mean.
Namamangha talaga
ako. Babae ka pero
nakagawa ka ng app
na ganun, from no
rate then now,
sikat na ang
app mo."Napabungong
hininga ako."Hindi ko alam kung
paano makiinteract
sa mga tao. Kahit
simpleng Hi,
Hello, Goodmorning,
hindi ko masabi kasi
hindi ako makapagsalita.
Parang hindi ko kaya.
Kaya ko ginawa 'yun
kasi gusto kong matuto
kung paano sumagot.
Hindi ko inexpect
na sisikat ang application ko.
Malaking tulong saakin
ang app ko. Importante
talaga 'yun sa akin. Kahit
ngayon hindi ko masyadong
nagagamit kasi busy.
Panigurado, sabog
ang inbox ko.""Wow. Ang haba ng
sagot mo. Ang ganda
pala ng boses mo kung
nagsasalita!" pagpupuri
niya pero inirapan
ko lang siya."Alam mong kumanta?"
Daming tanong nito."Oo. Dati. May Ukulele
nga ako dati eh.""Eh, bakit ngayon?"
"Simula noong lumayo
ang loob ko sa lahat
ng tao na nakapaligid
sa akin, hindi na
ako humarap sa mga
bagay na nagpapasaya
sa akin."Natahimik siya sa
sinabi ko. Uminom
nalang ako sa milktea ko.
Natameme ata. Nakikita
ko sa tingin na gusto
niyang tanungin kung
bakit pero hindi ko
masabi ang dahilan.Parang ayoko ng
magsalita pa. Mas
comfortable ata
akong nag-uusap
kami sa chat.Tiningnan niya ako.
Hindi ko maintindihan
ang tingin niya kasi
parang curious na curious
na natatakot siya. Ewan.
Hindi ko talaga makuha
ang ibig niyang sabihin
sa mga tingin niya."Dairy, paano kung
may magnakaw ng
Dear Dairy mo?'