· ꕥ · ──────
Dairy.
I'm doing fine.Ilang linggo na
ang nakakaraan
and I'm doing fine.
Good Job, Dairy.Why?
My communicating
skills improved.
Hindi na ako tipid
sa mga salita ko.
Binabahagi ko na rin
ang mga nasa isip ko.But, hindi ko masyadong
naoopen ang application ko.
I mean hindi ko na
talaga siya naoopen since
then. I don't know.
Natatakot na ako.Siguro sa sinabi ni One.
Kinuha ko ang phone ko
at ioopen ko sana ang
Dear Dairy pero nanlumo ako.This application is so
precious to me. Bakit
ko naiisip na idelete 'to?Huminga ako nang
malalim at umupo sa
bench sa park. Gabi-gabi
na ring inuubos ko ang
oras ko sa pwesto na 'to.
Looking at the stars and
I don't have the
guts to go home early.
I feel so empty.Napalunok ako
habang tulala.Nakarinig ako ng tawa
ng isang batang masayahin
nasa tabi ko. Nakatingin
siya saakin at nakangiti."Ang saya mo," bulong
ko sa kanya and my heart
scattered when her smile
faded away. "Sorry, Ate."
Mukhang naramdaman
niya na malungkot ako.This time, ako ang ngumiti
at hinawakan ang tuktok
ng ulo niya. "It's not your fault."
Umiling ako."Gusto mong maglaro
tayo para sumaya ka, Ate?"Tumayo siya at tumakbo
palayo. "Habulin mo ako,
ate! Kunin mo ako!"Napapikit ako kasabay ang
pagwala niya sa paningin ko.That kid was me.
Come on, Dairy. Wala ka
naman dapat ikalungkot eh!Napatingin ako sa
kamay kong nanginginig.Ano ang dahilan kung
bakit ako nagkakaganito?Wala.
Kasi noon, paggising
ko ay ganito na ako.
Nag-iba na ako. Nalulungkot
nalang ako kahit
walang dahilan.'Yan ako.
"I hate myself.."
Pero okay na ako 'diba?
Hindi.
"Ugh." Napatakip
ako ng mukha. I really..
really hate myself."Dairy?" Unti-unti
kong tinanggal ang takip ng
mukha ko at nakita ko
si Bronze na naglalakad
palapit sa akin."9PM na! Hindi ka pa umuuwi!"
Tumayo na ako at
sinabit na ang bag
sa balikat ko."Sorry. Halika na."
Hinawakan niya ang
kamay ko kaya hinarap
niya ulit ako pabalik
sa harapan niya."Ano ang iniisip mo?"
Napabuntong hininga ako
at tumingin sa langit."Hindi ko alam."
Ngumiti ako sakanya
at ginulo ang buhok niya."Halika na." Nauna
na akong naglakadBukas, okay na ako.