· ꕥ · ──────
Dairy.
"Bakit? Kanina ka
pa ba andito?""Sino dapat ang
magsusundo sa'yo?""'Yung bespren mong
pinahiran ng gluta?""Dairyyyy!"
Napatigil ako sa paglalakad
at hinarap si One. Bored
kong tiningnan ang mga mata
niya at sincere siya sa mga
tanong niya. Tiningnan ko
ang orasan ko at napabuntong
hininga.Ayokong umirap.
Tinatamad ako.
"Ayokong maglakad
na mag-isa."Natahimik siya at mukhang
nag-iisip ng sasabihin niya."Lalo na kung pagod na ako."
Napatigil siya sa paglalakad at
napatigil din ako sa paglalakad.
"Baka kasi magcollapse ako,
walang magbubuhat saakin."
Sinipag akong umirap at
naglakad pero hinawakan
niya ang pulso ko at hinarap
sa kanya."Hindi mo ba naiisip, paano
kung patayin kita? Paano kung
iba ang pakay ko sa'yo, una
palang. Paano kung masama
akong tao?" Bigla niyang
natanong at hindi nagbago
ang ekspresyon ng mukha ko."Binigay ko ang tiwala ko
sa'yo. Bakit? May gagawin
ka bang masama saakin?"
tanong ko at agad siyang
umiling na parang bata."Bakit mo ako pinagkakatiwalaan?"
Umiwas ang tingin ko at
binawi ang kamay ko."May pakay ka 'no?"
Natahimik siya kaya napatingin
ulit ako sa kanya."Wala."
Tumango ako. "Sa tingin mo,
hindi ako nasanay ng
mag-aapat na buwan mong
pangungulit saakin?"Natahimik siya at nagpatuloy
kami sa paglalakad."Pero thank you," bulong ko
at mukhang narinig niya."Ha? Para saan?"
"Pinapansin mo ako."
Hindi niya gets pero yeah.
I never knew attention from
someone else makes you special.I wish I was special.