Vlog 72

796 47 0
                                    

SHOPPING WITH BABY OIL5

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

SHOPPING WITH BABY OIL
5.6 Million Views
By: Baby Tansoil
👍 789K        👎 22

┈┈┈┈┈┈┈┈┈┈┈┈┈┈┈┈┈┈

"Oh ano? Bibilhin mo ba
o hindi?" tanong ni Bronze
kay Dairy habang tininhnan
ang mga nakahanger na
mga pastel tshirts.

"Kasi nakahanda ang
pera ko para sa'yo,"
pambabanat ni Bronze at
kinindatan niya si Dairy. Inis
na napatingin sa kanya si
Dairy at literal na
inirapan siya.

Natawa nalang si Bronze
habang nakaharap sa
camera. Vinivideohan
niya si Dairy habang
nakacross-arms. Ni hindi
lang hinahawakan at
chinecheck ang nagugustuhan
niyang damit.

"Ingay mo," reklamo ni
Dairy at umalis sa department
store. Dumeretso siya sa
isang store na puno ng
equipments para sa pagluluto.
Sumunod naman si Bronze
habang hawak-hawak
ang camera para maganda
ang kuha.

"Bukod sa akin, anong
gusto mo?" tanong ni
Bronze at napatigil si Dairy
sa paghahawak ng tray
para sa pagbabake at
sinamaan ng tingin si
Bronze. "Sa sobrang taas
ng height mo, napasobra
lalo ang pagpapangarap
mo," sabi ni Dairy at
binigay kay Bronze ang
nakuha niyang rubber spatula
para sa pagbabake.

Ilang kagamitan na ang
binibigay ni Dairy kay Bronze
hanggang sa tinulak niya
si Bronze sa cashier.
"Sabi mo, pera mo
gagamitin. Go," utos niya
at naunang lumabas sa store.

Habang nagbabayad siya
sa cashier ay ang lawak
ng ngiti niya sa likod ng camera.

"Sabi ko na nga ba. Gusto
ako ni Baby Oil."

Dear Dairy (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon