Chapter 53

4.5K 59 1
                                    

CHAPTER 53

(BOHOL)

ABEGIL'S POV

Nagmula pa ako sa labas may binili lang, at laking gulat ko ng paguwi ko ng hotel ay nasa labas na si Kim. Tanaw ko siya mula sa labas dahil glass lang naman ang nakaharang.. Dali dali akong tumakbo tungo duon at yinakap siya.

bago ko pa siya yinakap ay sumigaw muna ako.

"Oyy!! Kim!!". sigaw ko, lumingon naman ito.

ang mukha nito ay namula mula, dalawa lang ang nasa isip ko kung bakit namumula ang kaniyang mukha. Dahil sa init, O dahil umiyak galing. Ngumiti sya ng ngumiti saakin.

At nginitian ko nalang siya.

Yinakap ko siya nung nakatalikod sya at bumaling sya saakin at yinakap din ako.

Hindi ko na dapat ikapagtaka kung bakit miss na miss ko na ang taong to.. ayuko ng mawala pa ito sa buhay ko.

*Kring kring* nagiba ang ekspresyon ng mukha ni Kim at parang sinusuri ng kanyang teynga kung kaninong cellphone ang tumunog, hindi ko na kayang itanong kung sino dahil alam ko din naman na saakin iyon.

Dali kong kinuha ang cellphone ko, at sinagot ang tumawag.

Si Ate..

"Hello ate". sambit ko

"Ouh hi Bunso? musta na? ok kalang ba? Hayst, Siguradohin mo ang kalusugan mo dyan ha?". mahaba haba nyang pag aalala saakin, wala akong magawa kundi ang mapangiti sa saya. Feel ko kompleto na ang aking pamilya.

patuloy ako sa pagsagot sa mga katanungan ni ate habang tinitigan si Kim.

"Ouh bunso, siguro alam mo na yun? Na yang si sir Kim, Ang billyonaryong tao sa mundo... alam mo yun di ba?". sabi nya.

Oo aaminin ko, nung nagsimulang magka amnesia si Kim ay kinuha sya ng kaniyang mga magulang. At duon ko nalaman na siyay hindi karapatdapat saakin. Siya ay mayaman, Billyonaryo subalit ako? Tanging walang wala sa kayamanan niya. Kaya ayaw ng Mama nya sa akin.
Matagal ko ng nalaman na mayaman sya. Munit hindi kayamanan ang sukatan ng aming pagmamahalan bagkus ang aming nararamdaman.

"Oo Ate, ingat ka ha? wag mo yang pababayaan, Maging maingat kayo. Baka maya maya pa lang ay aattake na naman ang bruhang iyon? Sige po ate, mauna na po ako, Mag ingat ka dyan sa Manila". mahaba habang sabi ko munit hindi pa natapos ang aming usapan ng may dugtong pa pala ang sasabihin ni ate.

"Nakauwi na kami sa Bohol, mag ingat ka dyan bunso". sabi niya saakin, malakas ang pagkasabi niya kaya hindi ikakapagtaka kung baka narinig iyon ni Kim.
tinignan ko ang mukha ni Kim, at syay nakatingin saakin. Nang magka eyes contact kami ay dali dali niya din namang iniligaw ang kaniyang paningin saakin.

at saka ngumiti..

"A-ano itong mga boxes?". pagtatanong ko sa kaniya. Siya ay ngumiti at hinawakan ang aking mga pisngi. Inilapit niya ang kanyang mukha saaking mukha.

At nararamdaman ko na naman ang pressure na ito. Ang matamis nyang mga labi na kagaya ng chocolate ay tiyak na nakaka akit.

"Guess! What?". sambit nya sakin.

Asssuuusss may pa guess what, guess what kapang nalaman.

maya maya pa ay hinangad ko na siyang pumunta na sa room, nasa main sala kasi kami sa hotel.. kung saan andun ang tagabantay, mga guard at yung babae. Bago pa ako tuloyang makalakad tungo sa hagdan ay tinignan ko ang isang babae. Ngumiti ito saamin, Kaya nginitian ko nalang din sya.

"Ikaw ha? Hahahaha, Sa susunod ulit?". sigaw ko sa babaeng iyon.
kumaway naman ito saakin bago ako mawala sa kaniyang paningin.

FLASHBACK

Accidentally Got Pregnant by a Billionaire ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon