CHAPTER 48
(UNANG TRABAHO)
ANNA'S POV
Lumipas ang araw na iyon at dumating ang bagong araw
Pagkatapos naming mag celebrate sa pagpakasa ko bilang isang vice President ng company ni sir Kim, nais ko sanang dalhin mga anak ko. si Ricka at si Meg.
kaya pinabihis ko silang dalawa para ipakilala kay Maam Rik at Maam Ena, especially para kay sir Kim."Excited ba kayong makita Amo ko mga anak?". tanong ko sa kanila
samantalang si Meg ay patuloy pa ding nakatingin sa salamin at inayos ang pantalon neto, binilhan ko kasi sya ng pantalon dahil wala naman syang mga damit dito.
At si Ricka ay nasa Cr, nanghihilamos.
"Opo ma!!". sigaw ni Ricka mula sa Cr. at tumingin naman si Meg saakin at ngumiti
"opo nay". sabi ni meg
Patuloy kong inayos ang hitsura ng damit ko, bago ko pa kasing binili ito at baka hindi bumagay saakin kaya pumunta ako sa gilid ni Meg at nagsalamin.
"ano na anak? bagay ba kay nanay Anna mo?". tanong ko sa kaniya
tinignan nya naman ako
"Opo nay, bagay na bagay". tugon nya sakin.
ginulo ko ang buhok nya dulot ng pagsupporta nya sa damit ko, haha.
"Nay eh, bago ko palang tong inayos!!!". sambit nya sakin
nanlaki naman ang aking mga mata, pati ba naman pagkasungit mo ang cute mo pa ding tignan.
"Cute mo pa din, sige na nga. dali ka dito, aayusin ko lang yang buhok mo". ako
at lumapit naman sya saakin, at ipinatingin nya ang kanyang buhok sakin, samantalang si Ricka ay nagbibihis pa. Ang tagal naman ng batang ito.
"nagmana po kasi ako sayo nay!". sambit nya sakin
manang mana ka Meg sa tunay mong mga Magulang
"syempre ako pa". ako
ilang minuto pang daldalan ay bumungad naman sa mga mata namin ni Meg ang suot ni Ricka.
"Wow ate. daig mo pa si Rihanna sa concert nya". Sambit ni Meg
tinignan ko sya mula paa hanggang sa ulo, ang sexy naman ng batang ito. Nako, delikado, daming mga adik dito.
"Anak, manila po ito? san ba concert mo? kung ganyan naman pala susuotin mo eh di sanay nagpanty kanalang". sabi ko kay Ricka
nagiba naman ang muka niya
"Oy si mama ahhh, panira moment, ang ganda kaya nito". siya
ahy aba, maganda? eh parang panty na nga yang sinuot eh
"magbihis ka ng bago, ahy naku babastosin ka nyan ng mga adik dito, manila ito.. tama si Meg, daig mo pa si Rihanna? Rihanna? sino yang si Rihanna?". ako
natawa naman si Ricka sa muka ko at para bang tinignan ako ng sobrang nakakatawa
"Eh di mo pa nga alam si Rihanna ma eh? si Rihanna yan yung, every concert nya, mas mataas pa ang tela sa mga madre, o mga Nun sister, ayaw nya yung maiksi ang tela ng short nya, kaya nga ako sinabihan ni Meg ng daig pa si Rihanna eh kasi masyadong mahaba tela ng short ko". mahaba habang sabi ni Ricka sakin
ahy aba, niloko nya pa ako, teyka lang i sesearch ko sa google
tignan natin to
"Ahhh Rihanna pala ha?". ako
agad kong binuksan ang cellphone ko at tinype ang mga letra ng R I H A N N A. Concert.
ilang minuto pa, ay bumungad na sakin ang kasuotan nito... Patuloy sa paglalagay ng pulbos si Ricka sa kanyang mukha.
"Ito ba yung, mahabang tela ha?". sabay pakita sa cellphone ko?
tumaas naman kilay nito...
Ahy aba, nagbulag bulagan pa to ah.
"nagbulag bulagan kapa ha?!". sambit ko
Mas lalong nagiba ang ekspresyon ng mukha nya.
"Eh san po si Rihanna dyan ma?". tanong nya sakin
Dali kong ibinali ang cellphone at tinignan, Oo nga. Wala si Rihanna, at isa pa.
Ahyssstttt, maswerte kang babae ka ha. Na shut down lowbat pa cp ko.
"hindi eh, nandito lang yung si Rihanna eh". sabi ko
"Nay! si Rihanna po nay, hindi naman po sya nakatira sa Manila, at lalong lalo ng wala din po si Rihanna sa Bohol at Manila, maging sa Luzon, Visayas at Mindanao". sambit ni Meg
Loko loko talaga tong batang to
"Ikaw ha!!!". sabay turo ko kay Ricka "Na, pastilan! mababastos ka ng mga lalake Ricka, Magbihis ka ng iba jan". dagdag ko pa sa kanya
Agad naman syang pumasok sa kwarto at maya maya pay lumabas na naman
"Ganito ba ma gusto mo? eh di sanay nag madre nalang ako?". natatawang biro nya saakin, Nako, nako, naman. wala na talagang normal ang utak na yan.
ang init pa nga ng panahon tapos, yan pa ang susuotin. Naku, Ricka di ka talaga nagmana sa matalino mong mama.
At dahil ayuko na ding.. pa bihisin sya ulit, ay tinanggap ko nalang ang ganung kasuotan.
"ouh sha sha sha, tara na, baka late na ako! Meg, halika na dito". sabi ko sa kanya
maya maya pay lumabas na kami ng bahay at naghintay ng masasakyan.
"mag tataxi tayo ma?". aniya Ricka
"malamang mag jeep nalang, wala na akong pera". ako
"Nay, taxi nalang nay para madali!". si Meg
ngumisi naman si Ricka kay Meg
"Thats good, Bunso. Support talaga kay ate ha?". Siya
loko loko talaga tong dalawang ito.
ilang minuto pa ang nakalipas ay nakapara na kami ng taxi"san po kayo maam?". pagtatanong ng taxi driver
"sa Kim's Company po". ako
⊙_⊙..........Meg
"Bakit Meg? may problema ba?". tanong ko sa kanya
bigla kasi syang natahimik, at nanlaki ang mga mata.
"wala po nay, pamilyar lang po kasi yung pangalang Kim". sambit ni Meg
Pamilyar? Baka sakaling, may Uncle ka Meg na nagngangalang Kim. O kakilala, kaya nasabi mo nalang na pamilyar.
BINABASA MO ANG
Accidentally Got Pregnant by a Billionaire Man
Storie d'amorePapano kung nabuntis ka ng isang taong Pinakamamahal mo? Ang mas malala pa dyan ay wala kayong panggastos dahil siya ay anak lamang ng Mahihirap na Pamilya. Sa Likod ng kaniyang buong pagkatao, May malagim na nakatago, Ang katotohanan na matagal na...