Chapter 43

4.4K 63 0
                                    

CHAPTER 43

(Kompanya)

ANNA'S POV

"Okay, okay lahat kailangang nasa linya kayo ng maayos ha? ang mga nasa huli ay nasa huli, ang na una ang dapat mauna, walang dayaan, okay? nagkakaintindihan ba tayo?". mahabang sabi ng isang beki

"Yas sir!!". malakas lakas na sabi ng nakararami.

"Anong sir, Call me Maam nalang okay?". siya

choosy din tong si maam eh

"O-okay!". sabi ng nakararami

'Choosy din eh'

'Kala mo naman mas gaganda pa sya saakin' sabi ng isang bakla

'tsk'

"Pst, a-ano yung narinig ko? may sinabi ba kayong masama?". pagtatanong ni sir.

at itinaas ko ang aking kamay upang magtanong, tumingin naman ang lahat saakin

"Ano yun Eha?". magalang na sabi ni Maam saakin

"Ahm, Sir, ay este Maam pala. Ano po yung itatawag namin sayo Maam? ano po ang yong pangalan Maam". sabi ko sa kaniya

napakamot naman sya sa ulo nito

"Wag nyo ng lagyan ng po, ang mga salita ninyo, sobrang taas naman ng galang nyo saakin, sige na. call me, maam Ena okay?".

tumango naman ako. at yung ilan din. maliban sa mga hambog na magaganda kunong mga babae at baklang kala mo kung sino.

"Goodluck sa inyo!". sabi ni Maam Ena saamin, ang isat isa naman ay nagkakaroon ng kanya kanyang reaksyon, may iba na napatingin sa langit. ang ilan ay napatingin sa kanilang kamay, bunga ng pagka kaba.

"At saiyo Eha!". sabi nya saakin at ngumiti.. mas lalo syang ngumiti saakin ng nakita nya ang maliit na papel na hawak ko.

"Wag kayong magdala ng Kodigo ha? o mga ano pa yan, papel na kung ano ano". Maam Ena

napatingin ako sa maliit na papel na ibinigay ng manang saakin kaso ayukong bitawan

///Wala namang mawawala kung magtitiwala ka sa Papel na yan/////

Naalala ko ulit ang sinabi ni Manang kaso baka pamahiin niya lang iyon, kaya sisimulan ko na sanang tumayo upang itapon ang papel na iyon sa loob ng basurahan kaso biglang nagsimula na.

"Ouhhhh, linya na kayo, linya, walang aalis at wala ng paparito ng huli, for your safety lang ito sa pag aapply ninyo sa kompanya ni Sir Kim, and Did you know na sir Kim ay___".

'Gwapo'.

'Mayaman'.

'May kissable lips'.

'May katawan'.

dinig kong pang uuna ng sabi ng iilan kay Maam Ena pero akoy walang imik lamang.. Para saan pa ang ganiyan kung ako namay may anak na. Nako, nako, Matanda na ako. Kahit bata pa. Ayuko na sa ganyanan.

"Opssss huwag masyadong mag assume ha? masasaktan lang tayo nyan". sabi ni Maam Ena

natauhan ako sa iniisip ko.

Sobra ko namang assuming, sino ba naman ang nagsabing magkakagusto si sir Kim saakin.

"At saka hindi na single si sir Kim". Maam Ena

⊙_⊙ .........LAHAT

'Huh? anong hindi na single si sir Kim? may napili na ba siyang jowa?'

'Ouh my, its not true, im sure biro lang yan ni bakla'

'Tsk, kwentong barbero'

'Stop that lie'

"Its up to you, if maniniwala kayo!". Maam Ena, tapos nginitian kami

Hindi na single si sir Kim? Hayst, Salamat.

Ugok kayong mga malalandi, sige pa, apply pa baka Janitor pupuntahan nyo dyan.

"Ouh sha sha sha, tama na ang daldalan, be prepare. wooaahhhhhh! Remember, isa lang ang kukunin sa inyo, at look at you... you are? Wait, bibilangin ko muna, 1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 and 23. Ouh my! dami nyo naman, tignan nyo 23 kayo?". Maam Ena, habang tinitignan kaming lahat.

"Remember guys ha? isa lang ang pipiliin, thats why do your best". Maam Ena, habang pangiting tinitignan kami

'Im sure ako naman yung pipiliin, sa ganda kong ito. hindi ako pipiliin, tsk. impossible'

'Peelingera lang ang peg, sino kaya ang pinakamaganda dito? hindi bat ako lang, kahit beki ako, eh taglay ko ang kamandag ni Mekeni Mekeni dug dug doremi'

'Assumera, wag nyong kalimotang kilalanin ang dyosa, look at me, impossible naman yatang hindi ako mapipili'

'Ako ang mapipili hoi, kayo ha? tignan tong galing kong magpatayo ng patay? May bundok pa akong nakakamatay, At may kweba pang mas lalo kang mabubuhay. tsk. Ako yung mapipili'

Eywan ko ba, anong nangyare sa kanila

nakataas ang kilay ni Maam Ena at tinignan kami

Tinignan niya ako, at nginitian ko siya.
Salamat at hindi sya snobber, kaya nginitian din nya ako... papasok na sana sya sa loob ng company.

Ng makalapit na sya saakin ay huminto sya ng iilang segundo at may ibinulong

"Huwag mong, iwala yan! just trust it". bulong nya saakin

at kinindatan ako. eywan ko ba, ano yung sinasabi niya.

Patuloy na syang pumasok sa kompanya, at patuloy na ang linya.

nasa pangatlo ako! Sa Una.

Kaya mas lalo akong kinabahan.

"Hoi, bruha". sabi ng babae

Di ko nalang pinansin, at saka sino bang bruha ang sinasabi niya, hindi naman bruha pangalan ko

"Ahy aba, hindi ka pa nakikinig ha! teyka lang!!". Babae

ilang minuto pa ay, tahimik lang ako. daldalan naman ang mga beki at babaeng hambogera.

nang may biglang sumabunot sa buhok ko mula sa likod ko

"Ah!!!!!". sigaw ko

Ano bang problema nila?

"Di kapa nakikinig ha?! so, tignan mo, yan na yung napala mo". sabi ng isang babae, na may kagandahan din

'Hahahahahaha'

'Ouh gosh kawawa sya'

'Hahahaha dapat lang sa kanya'

'Hoi, bruha huwag ka nga dyan, bakit kaba andito ha? wala ka namang chance?'

'Tabi, tabi'

'Ako dyan sa pangatlo, ikaw sa panghuli, kung di ka susunod, tiyak uuwi kang walang buhok'

Wala na akong magawa, ayukong lumaki ang gulo... as well as na kahit huli ako ay tatawagin din naman ako.

Tsk. mga tao talaga dito, pero ang sakit talaga ng sinabunot niya sakin.

Agad naman akong naglakad sa kahuli hulihan, at pumalit sya sa pwesto ko.
At imbis turn ko na, sya yung naka turn na pumasok sa interview.

Ouh panginoon, naway gabayan nyo ako sa araw na ito.

Accidentally Got Pregnant by a Billionaire ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon