Hindi lahat ng taong darating sa buhay mo di mawawala, may mga tao lang na dumating para pasayahin ka pansamantala.
-H. C.
SHAWN'S POV.
Ilang oras na din kami nanatili sa bus papuntang boracay pero hindi talaga ako inaantok eh kase paano ako aantokin na nasisiyahan ako sa maamong mukha ng amazona na ito. Kapag tulog talaga sya hindi mo malalaman na sobrang kulit nitong babae to yung parang walang problema parating nakangiti. Hindi talaga ako makatulog eh kase tung babae na ito ang sarap ng feeling na nakasandal sa balikat ko tas humuhilik pa .
Hindi ko talaga lubos maisip bakit naging ganito ako sa kanya pero isa lang talaga ang alam ko gusto ko sya. Ngayon alam ko na bakit galit ako sa Kenn na yon kapag magkasama sila ni amazona kase nagseselos pala ako tapos indenial lang ako pero ngayon naamin ko rin sa sarili ko pero hindi pwedeng malaman nya baka humangin na naman ng malakas.Dre tapos mo na bang pagnasaan si alex?? -natatawang tanong ni matt.
Ulol. Anong pinagnasaan ? Hindi ah . Feel na feel kase nya sumandal sa balikat ng gwapong katulad ko.. -Ako.
Talaga lang ha? Kaya ngiting-ngiti ka dyan para bang inlove.. -asar niya.
Tss.. -Ako.
Walang magnanakaw na aamin, kaya hindi ka umaamin na nagnanakaw ka ng tingin kay alex.. -Siya.
Wag ka ngang maingay baka magigising to.. -Ako.
Wow parang boyfriend lang. Pero isa lang sasabihin ko sayo dre wag kang magpaligoy-ligoy na gumawa ng moves kay alexa kase alam mo namang ang daming umaaligid sa kanya baka maunahan ka.. -Siya.Hindi maaring maunahan ako, ngayon paba na inamin ko na sa sarili ko na gusto ko sya ? Ngayon pa ba ako susuko ? Hindi, dahil ngayon ko lang ulit nararamdaman ang ganito sa puso ko simula nung iniwan ako ng babaeng unang minahal ko.
Wala ka mang nararamdaman sa akin ngayon alex pwess sisiguraduhin ko na sa akin parin ang bagsak mo kase ako sigurado na ako na mahal talaga kita hindi paman lubusan kagaya ng pagmamahal ko Safara noon . Pero ang hirap paamuhin ng amazona na ito kase iba sya sa mga babaeng kilala ko, kaya nyang makipag-away sa mga lalake yung walang takot bilib talaga ako sa amazona ko. Anong sabi ko? AMAZONA KO ? Wow feel na feel ko talaga na sa akin sya hindi paman ngayon pero soon akin na talaga sya.
Sa sobrang pag-iisip ko hindi ko na malayan na kami nalang pala ang nasa bus kase nandito na kami sa boracay.Hoy hambog nasaan ba ang isip mo? Kanina kapa namin tinatawag pero mukhang wala ka sa sarili ah .. -Alex.
Malamang nasa South Korea na yan sa kakaisip sayo.. -Matt.
Bakit ako ? Hindi ko naman dala ang isip nya ah at sa kanya naman yang utak nya kase mayroon na ako at hindi ko na kaylangan ng iba.. -Alex.
Lex hindi mo na talaga kaylangan ng iba kase nandyan na si Shawn sayong-sayo sya.. -Drake.
Manahimik nga kayo jan . Tala na nga baka mahuli na tayo .. -Ako.
Wow ang sarap mong asarin couz kasi namumula ka.. -Amber.Nyemass bakit ako namumula ? Baka mahahalata na amazona na may nararamdaman ako sa kanya pero hindi nya pwedeng malaman kasi hindi pa ako totally ready pagdating sa ganyan, yang seryosong relasyon eh kasi nag seryoso naman ako noon eh pero wala iniwan lang ako para sa sariling spotlight. Diba pwedeng pagsabayin ang relasyon namin at ang career nya susuportaan ko naman sya ah. Bahala na sya sa buhay nya hindi ko na sa iisipin at isa pa wala na talaga akong nararamdaman sa babaeng yon..
Hello campers. By the way I'm Teacher Lisa at ako ang magiging adviser nyo sa camping na ito.
Kaya pumunta na muna kayo sa dormitory nyo para ilagay ang mga gamit nyo at isa pa kayo ang mag aayos ng mga gamit at ng mga ginagamit nyo. Ang camping na ito ay ginawa para matoto kayong maging Independent kase hindi sa lahat ng bagay o sa lahat ng oras makakasama mo ang pamilya o mga taong tumutulong sa inyu at isa pa alam ko naman na kahit pareho kayu ng school na pinapasokan hindi nyo parin kilala ang isa't-isa kaya isa rin yang dahilan para sa camping na ito.
Campers may makakasama kayong ibang school at ito ang DE LASALLE UNIVERSITY kaya alam kong mag e-enjoy kayo kase may kasama kayong ibang mga mukha kaya so please guys maging mabait kayo sa kanila dahil sinabihan ko na rin silang maging mabait sa inyo.

BINABASA MO ANG
My Enemy Becomes My Life.
Teen FictionHambog na lalaki na inlove sa babaeng amazona :)