Shawn's POV
Dre. Saan tayo ngayon ?? sabi ni drake.
Pupunta tayong bar dre. Hindi na ako nakapunta don eh simula nong palaging nasa bahay sina mommy.. sagot ko.
Sige dre, besides wala naman akung gagawin. Uuwi muna ako dre para magpaalam kay mommy.. sagot naman ni matt.Nasa parking lot na kami nila matt at drake.
Sa totoo lang gusto ko talagang uminom kasi di mawala sa isip ko si amazona, hindi dahil gusto ko sya kundi dahil galit ako sa kanya. Kahit saan sumusulpot para asarin ako.Oh! bakit ang aga mo sky ?? tanong ni noona.
Noona? Pupunta lang kaming furama .. sagot ko.
Sinong namang kasama mo?? Tanong nya.
Si drake at matt .. sagot ko.
Sila lang ba talaga ?? natatawang sagot ni noona.
Noona ! Sila lang ang kasama ko promise..
Ikaw skyler hah? Iwas-iwasan mo na yang pagka chicksboy mo. Baka darating ang araw na may susugod dito sa bahay dahil binuntis mo..
HAHAHAHA mag iingat ako palagi noona..
Iwan ko sayo skyler sisiguraduhin mulang. Sky babae ako, masasaktan kami kapag pinaglalaruan kami. May mga babaeng okay na okay sa kanila na kahit ngayon lang nagkita o nagkakilala hahalikan basta-basta. Kapag gusto ka at bet mo din pwede mo na agad dadalhin sa kwarto.
Sige sabihin natin na may mga desperadang babe pero sana malaman mo rin na hindi lahat ng babae ganyan. Maraming babaeng naghahangad ng magandang relasyon,yung tipong mahal mo sya at mahal ka din nya.. mahabang pahayag nya.
Noona magbibihis na ako .. sagot ko.Umakyat agad ako sa kwarto dahil sa mga sinasabi ni noona. Aaminin ko tinamaan talaga ako sa lahat ng sinasabi nya. Guilty talaga ako kasi ginagawa ko lahat yon. Yes, I am 100% flirt.
Pero sa totoo lang I don't need them sadyang sila lang talaga ang habol ng habol sa akin. Lalaki ako kaya maging lalaki talaga ako, kahit sabihin nating hindi ko inaasahan na may mga babaeng gusto akong halikan at gusto nilang dalhin ko sila sa langit. Wala talaga akong seneseryoso kahit isa. Kung gusto nilang halikan ko sila hahalikan ko sila, kung gusto nilang one night stand gagawin ko pero pagka tapos yon na yon dahil I don't like f*cking commitment . Babae si noona at kaya kung pumatay nang tao kapag sinaktan at pinaglaruan sya ganon ko kamahal si noona kaya kung gawin lahat para ma protektahan siya.
Naudlot lahat ng iniisip ko dahil biglang tumunog ang cellphone ko.San kana ? Nandito na kami sa furama.. sabi ni drake.
Papunta na ako dre.. sagot ko.
Sige hihintayin ka namin.. sabi naman nya at ibinaba ko na ang cellphone koo.Alexa's POV.
Umuwi ako sa bahay na may ngiti sa aking mga labi. I told them about the band at sobrang tuwa nila lahat, dahil unti-unti ko nang marating ang aking mga pangarap. Ako sa kuya James at kuya Jerome ay binibiyaan ng magandang boses dahil si nanay ay isang vocalist sa banda at doon sila nagkakilala ni tatay. Mahal na mahal ko ang musika, hindi lang ako pati si kuya James,kuya Jerome at nanay ay mahal rin nila ito. Isa ito sa naging bonding moments namin . Papunta na ako sa kusina upang kumain at magpapaalam ako na lalabas kasama si amber kasi niyaya nya ako upang mag celebrate daw dahil sa pagiging female vocalist ko.
Kuya James,Kuya Jerome,Nanay pwede po ba akung lumabas ngayon.. sabi ko sa kanila.
Saan ka pupunta ?? tanong ni nanay.
Niyaya ako ni amber na magcelebrate raw kami dahil napili ako bilang female vocalist sa banda ng KAS..
Amber? Yon ba yong magandang babae na palagi mong kasama ?? tanong ni kuya Jerome.
Opo kuya siya po..
Okay lang sa amin basta mag-ingat ka at wag kang magpa umaga.. sabi ni kuya James.
Opo kuya babalik rin ako kaagad..
Ihahatid kita kung gusto mo.. tanong ni kuya Jerome.
Wag na kuya kasi dadaan si amber dito ihahatid kami ng driver nya..
Sige mag ingat ka.. sabi nilang tatlo.Agad-agad akong umakyat para mag-ayos. First time ko ito na pupunta ng bar dahil hindi talaga ako mahilig sa party. Simpleng t-shirt at jeans lang ang sinout ko. Pagkatapos ko mag-ayos tumunog ang cellphone ko at binasa ang text ni amber na nasa labas nadaw sya ng bahay inaantay ako kaya lumabas na ako pagkatapos magpaalam.
![](https://img.wattpad.com/cover/146520772-288-k874215.jpg)
BINABASA MO ANG
My Enemy Becomes My Life.
Teen FictionHambog na lalaki na inlove sa babaeng amazona :)