Chapter 1
Mizuki's POV
"Pasensya ka na talaga, Mizu. Pero kailangan ka naming ilipat sa ibang school." Sambit ni Mama sa akin.Nandito kami ngayon sa salas ng bahay namin. Nakaupo ako, si mama, at si papa sa sofa. Pinaguusapan namin ang nangyari sakin sa school kanina.
~Flashback~
"Hoy, Freak!" Asar sakin ni Sandra, ang school Queen Bee. Nasa tabi niya sina Alice at Casey, mga alalay niya.Kaya yun ang bansag niya sakin dahil sa kulay ng mata. Hindi kasi normal. Blue with a hint of grey and green. Ang sabi naman ng mama ko, sa great grandmother ko daw namana.
At ang dahilan kung bakit nila ko inaasar ay dahil daw sa napakaunique at rare ng ganitong uri ng kulay ng mata. Na tanging ako lang at ang great grandmother ko lang ang meron ganung uri ng mata.
Masasabi ko ngang unique to dahil sa buong angkan namin, ako lang ang nakamana nito mula sa kanya.
Hindi ko na lang pinansin si Sandra at nagpatuloy sa paglalakad. Nung malalampasan ko na sana siya, bigla niya kong hinila sa braso at tinulak ng malakas hanggang mapaupo na ko sa sahig.
"Sinong nagbigay karapatan sayong hindi ako pansinin?" -Sandra.
Hindi ako umimik. Hindi rin ako tumayo. Siguro dahil na rin sa hiya. Nakatingin na kasi samin lahat ng estudyante dito sa hallway. Yung iba sa kanila pinagtatawanan ako, yung iba kinaaawaan ako pero wala lang silang magawa. Takot na rin na madamay.
"Oh ano? Uupo ka na lang ba diyan? Sabagay, diyan ka bagay. Sa sahig. Wala ka kasing kwenta. Wala kang kayang ipagmalaki dahil hindi ka naman maganda. Kung tutuusin, matalino ka lang. Freak ka na nga, useless ka pa." -Sandra.
Sobra akong nasaktan sa sinabi niya pero pinili ko nalang manahimik. Ayoko rin kasing palalain ang sitwasyon.
"Oh, bakit ayaw mong umimik? Panget ka na nga, pipe ka pa!" -Alice.
Pinili ko nalang tumayo. Akmang lalakad na ko nang may pumigil sakin. Si Jason, ang school's famous jock and hearthrob.
Kung ang iniisip ng iba sa inyo ay tutulungan niya ko tulad ng sa isang cliche na movie at story, puwes nagkakamali kayo.
Hinila ako ng malakas ni Jason sa braso at sinikmuraan ako.
Oo, sinuntok niya ko sa harap ng maraming tao. Ang sama niya diba? Magka-ugali lang sila ng girlfriend niyang si Sandra.
Humandusay ako sa sahig habang hawak-hawak ko ang tiyan ko. Tumawa lang sina Sandra, Jason, Alice at Casey. Yung ibang estudyante sa hallway ay tinawanan rin ako. Yung iba iniwas na lang ang tingin sakin.
Hindi pa nakuntento si Sandra, pinagsisipa pa niya ko sa tagiliran at tiyan ko habang tumatawa. Walang awa talaga sila.
"Oh ano? Masakit ba? Bagay lang yan sayo, wala ka kasing kwenta dito sa mundo. Isa ka lang basurang kelangan itapon. Isa ka lang tat*nga-t*nga babaeng gustong makibagay. Kaya ka iniwan ng Kuya mo eh. Wala ka daw kasing silbi!" -Sandra.
Bigla akong nakaramdam ng galit.
'How dare they bring my brother to this conversation.!'
Tumayo ako sa pagkakahiga ko. Bakas sa mukha nina Sandra ang gulat.
"Wala kayong karapatan isali si Kuya sa usapang to dahil wala naman kayong alam sa mga nangyari!" Sigaw ko kay Sandra.
Halatang nagulat siya sa sinabi ko dahil nakita kong nanlaki ang mata niya. Si Jason, sensing his girlfriend's distress, ay tumabi na kay Sandra. Tiningan niya ko ng masama pero hindi ako natinag.
"Totoo naman diba?! Iniwan kayo ng kuya mo dahil na rin sayo! Wala ka kaseng kwenta sa kanya.! Isa ka kasing pabigat!" -Jason.
Bigla na lang nandilim ang paningin ko. Yung kamao ko ay nakayukom na. Nanginginig na rin ako sa sobrang galit.
"Bawiin mo yang sinabi mo" diin kong sinabi. Pero di siya natinag.
"Bakit ko gagawin yun? Eh totoo naman." Sabi pa niya habang nakangisi.
Just then, may naramdaman akong kakaiba sa katawan ko. Parang nag-init at nan-lamig yung buo kong katawan.
Bigla naman nagsigawan yung mga estudyante sa paligid sa hindi malamang dahilan. Si Sandra at Jason na nasa harapan ko ay nanginginig sa takot.
"Nakita mo ba? Yung mata niya, naging kulay blue!"
"Nakakatakot! Naglalabas pa siya ng kulay asul na aura!"
"Tara na umalis! May lahing witch ata yang babaeng yan!"
Yun ay ilan sa mga bulungan at hiyawan na narinig ko. Blue na mata at Blue na Aura? Ano bang pinagsasabi nila?
"HALA! TARA NA JASON! MUKHANG MAY LAHING HALIMAW ANG BABAING ITO!" Sigaw ni Sandra habang nagtatago sa likod ni Jason.
Pero nanatiling nakatayo si Jason. Hindi siya gumagalaw. Nanginig rin siya sa takot habang nakatingin sakin.
"Tara na, isa siyang monster!" -Sandra.
Bigla akong nagalit sa sinabi niya. Ako pa ngayon ang monster?!
Out of nowhere, yung drinking fountain at mga sprinklers (A/N: yung nakalagay sa ceiling. Naglalabas ng tubig pagnakakadetect ng usok.. sorry kase ndi ko alam ang tawag eh..) ay nagbuga ng tubig. Ang nakakapagtaka ay sa iisang direksyon lang papunta ang tubig. Sa direksyon kung saan nakatayo sina Sandra.
Nung tamaan sina Sandra, Alice, Casey at Jason, tumalyang sila at tumama sa pader. Nawalan silang lahat ng malay. Yung ibang estudyante ay nagsitakbuhan sa takot. Ako naman, nakatayo lang.
I was frozen in shock. What the hell happened? And did i just did that?
~End Of Flashback~
***
Hi, Minna-San!
Welcome to my new story. This is the first time i'll writing a Fantasy Story so please go easy on me...
Please Follow me
Read
PM or Comment
Vote
Love Lots,
☆JeRein_14
BINABASA MO ANG
Element Wielders
FantasyMizuki used to have a normal life but that all changed in a blink of an eye. Because of an incident at school, she discovered her hidden abilities and powers. She has the power to wield and control any kind of liquid that has water content. Meanin...