Kabanata 1 - Karakol

62.8K 400 10
                                    

Chapter One

"Wuhoohooo!" sigaw ko! As in sigaw! Owyeah! Enjoyin na 'di ba?! Fiesta! Karakol! Lahat ng nadaan dito sa harapan ko hindi pwedeng hindi mabasa no! Walang makakatakas sa hose ko!

"Buti nalang nag sando ako! Kundi bakat na tong hello kitty kong bra!" sabi ni Yasmine na nasa tabi ko ngayun na biktima ng hose ko! Ngayun nakikiparty na sa amin. Alas kwatro na ng hapon at mamaya inuman na kasama ang mga barkada. Kahit 'di ako umiinom.

Inimbitahan ko siya at 'di niya ine-expect na gan'tong klaseng fiesta ang maabutan niya. Akala niya something na handaan pero hindi niya alam basaan pala.

"Sabi ko sayo mag kakarakol ako ayaw mong maniwala eh!" sabi ko sabay tapat ulit sa kaniya ng hose. Minsan lang kasi ako maging wild sa school kasi paminsan minsan lang pero pag nasa labas boom! Wild pa ako sa wild. Pero wild, not in a sexual way.

"Kaninong bahay ba'to? Kapal ng face ah! Nakihiram kapa ng hose grabehan!" tumingin siya sa bahay na hineraman ko ng hose.

"Ewan ko! Ako nalang magbabayad ng water bill nila." napansin kong hindi na nakikinig si Yas sa akin. Dahil meron siyang tinititigan ngayun. Hilig talaga sa lalake neto.

"Hoy! Nagbibilang kananaman ng abs jan!" tinapatan ko ulit siya ng hose sa muka. Kawawa yung lalake eh, narerape na ni Yasmine sa isip.

Eto kasing si Yasmine magkaiba kami. Kung siya mahilig sa boylet ako hmmm slight lang. Slight lang talaga. Hindi ako ganun baliw na baliw. Actually wala pa talaga akong kinababaliwan. Hmmm si Barney lang ata yung kinabaliwan ko simula 3 years old haggang sa ngayun. Ang cute cute niya kasi kahit yung boses niya pang gurang. Pang asar lang talaga.

"May pogi kasi dun' oh!" sabay turo pa sa lalakeng naka short lang at basang basa narin. Wet look ba.

"Mukang basang sisiw eh! Pogi kajan!" komento ko, minsan lang ako naa-attract sa lalake, paano ba naman mga ugali kay yayabang tas' mahilig pang magloko! Pati mga babae na dadamay. Tsk. Hindi dapat pinagkakatiwalaan ang mga ganiyan. Lalandiin nila mga babae shempre mga babae mag palalandi, masaklap niyan ang mga babae ang masisising malandi. Edi wow 'di ba? Hays. Wala pa namang akong experience pero naririnig ko palang kumukulo na dugo ko. Nung Gr. 8 nga ako may nasapak akong lalake eh. Kahit di niya ako kilala eh sobrang yabang ba naman. Abu't! Buti nalang daw at hindi siya bakla kaya hindi niya ko binawian. Subukan niya lang, papakain ko sa kaniya 'yung white board sa room namin nun', kasama yung eraser at white board marker.

May napansin akong parating na naka kotse inihanda ko na ang hose ko. At tamang tama pag bukas palang nung bintana ay itinapat ko na ang hose sa lalakeng nag dadrive nag si hiyawan naman ang mga tao na nakikikarakol den. Lalo na yung mga barkada ko.

"Iba ka talaga Dani!" sigawan nila. I know right!

'Yung lalake naman na binasa ko ay sumama ang tingin sa akin. Naka sando lang siya. Para bang lumabas lang saglit at walang balak bumaba ng sasakyan. Nginitian ko naman 'yung lalake na hanggang ngayun ay masama parin ang tingin sa akin. Mukang mananapak ba. Binuksan niya ang pintuan ng kotse niya.

"What was that for?" tanong niya na halos hindi ko na marinig dahil sa hiyawan ng mga tao kasama pa ng tugtog. Kaya mas lumapit pa ako.

"Ano ulit?"

"What was that for!?" obvious na 'yung pagkabadtrip niya sa boses niya pero 'di ko nalang masiyadong pinansin.

"Hahahhahaha fun fun lang! Alam mo naman fiesta! Wuhooooo!" sabi ko sabay basa pa ulit sa kaniya at ngayun sobrang sama na ng tingin niya.

We Got MarriedWhere stories live. Discover now