Kabanata 6 - The Dancers

13.1K 178 3
                                    

Chapter Six

Palakad lakad sa hallway si Austin. Kung ako nasa pwesto niya hilong hilo nako. Kesa magpakahilo ako magdadasal na lang ako.

Nasa emergency room parin ang lola niya. Sila mama at papa naman ay nauna nang umalis pag ka dating namin dito. Si tito naman ay nakaabang lang sa labas ng emergency room.

At ako nagdadasal.

Matapos ang ilang minuto ay lumabas na ang doctor. Kinabahan kaming lahat. Nakipag usap ito kila Austin st tito. Samantalang ako walang marinig sa ingay ng tibok ng puso ko.

Pagkatapos nilang makipag usap ay dumeretso na sila dun sa kwarto, sumunod narin ako.

Anu bang nangyari?

"Lola." unang word na nasabi ko ng makapasok ako sa emergency room.

Nginitian ako ni lola. Lumapit pa ako sa kaniya at niyakap siya. Akala ko kung ano na ang nangyari.

"La, wag naman pong ganun. Okay napo kami ni Austin. Naayos napo namin ang problema namin." hinapit ko sa bewang si Austin. Halatang nagulat siya sa ginawa ko.

"Mabuti kung ganun. Mamatay ako kung hindi." natawa si lola sa sarili niyang pahayag.

Inakbayan ako ni Austin. Nagulat ako sa ginawa niya pero alam kong nagpapanggap lang din siya. Para ito kay lola.

"Mabuti pa Austin, hatid mo na si Dani pauwi. Ako na ang bahala kay mama." sabi ni tito at tumungo naman si Austin. Tahimik kaming naglakad hanggang parking lot.

Tahimik rin ang buong byahe.

"Ahmm, salamat sa paghatid. Ikiss mo ko kay lola ha." sabi ko bago ako bumaba.

Hinalikan ko siya sa pisngi pero bigla siyang humarap sa akin kaya sa labi niya ito nag landing. Halata ang pagkagulat namin dahil parehong bukas ang aming mata kaya agad akong lumayo.

Bumaba na ako ng sasakyan at pumasok ng bahay. Dumeretso agad ako sa kwarto at naligo. Pagkatapos ay ibinagsak ko ang sarili ko sa kama.

"Ang lambot ng labi niya..."

***

Pumasok nako sa room ng sunod kong klase. Wala akong masiyadong kakilala dito pero may kakilala ako, wala nga lang masiyado.

"Dami!" lumingon ako sa tumawag sa akin. Babae ito maganda.

"Oy! Hi! Hmmm... Sino ka?" agad kong tanong. Tanga kasi di alam pangalan ko. Ganda pa naman.

"Diosa of this school, and you are Dami right?!" nilahad niya yung kamay niya sa akin. Tinanggap ko yun.

"Oo." kahit Dani naman talaga.

"O my gosh! Im gonna die Im gonna die! Bongga itey! Turuan mo naman ako ng mga keme sa volleyball."

Bakla ba ito?

"Hmm, sure pag may time."

"Nga paley. Close kayo ni Austin?! Infairness namern ha! Ang lolo kong iyon!Never kong nasighting makipag echosan sa mga girlalesh! Sayo lang aberr!"

"Ahmm.. Ano oo, haha medyo. Yeah. Lolo mo talaga siya?"

"Neyp chismis lang yun. Anyway. Do you know Hans?"

Hans

Hans

Hans..

Ahh! Kasama nga pala siya sa Austin and friends.

We Got MarriedWhere stories live. Discover now