Kabanata 26 - Annoying Brylle

9K 100 0
                                    

TWHGM - Chapter 26

Whew! Tapos narin ang bakasyon. Kaylangan ko na palang mag enroll para sa second sem. Magisa nga akong mag e-enroll eh, paano ba naman kasi iniwan ako ni Austin tapos hindi man lang ako ginising. Aalis na sana ako ng biglang nag vibrate yung phone ko.

From: 0927*******

- Hi! Good afternoon.

Bwisit, kilala ko naman kung sino to eh. Si Brylle? Sino paba. Nakuha niya raw number ko sa mya source niya. Anung tingin niya sakin? Makikipag text mate sa kaniya? Eh wala nga akong load eh. At kahit loadan niya pa ko hindi ko siya itetext. Actually ni loadan niya nako eh. Dahil ayoko talaga sa kaniya ipinasa ko ulit.

"Manigas ka! Good afternoon your self! Hmp!" ipinasok ko nayung phone ko sa bulsa ng jeans ko at nag commute na ako papuntang school. At dahil malas ako nakita kong nag aabang sa akin sa labas ng school si Brylle. Sobrang ganda ko naman. Patay na patay sa akin tong ngogngog na toh. Tsk. For sure yayain ako nitong mag lunch.

Lumapit na ako sa kaniya at nagtatakang tiningnan niya ko. "Hoy! Tigilan mo nga kasusunod sa akin! Kung yayain mo kong mag lunch? Sorry pero mas gusto ko pang kumain mag isa kesa makasama ka! Tigilan mo narin ang pag tetext sakin dahil naiirita ako."

Siguro mga 5 seconds niya kong tiningnan nang bigla na siyang tumawa. Oh? Anu probelama nito? Nabaliw na!?

"Ah, Dani masiyado kang napaparanoid. Hindi yun text na para lamang sayo. GM yun group message. At hindi kita hinihintay at hindi rin kita yayain ng lunch dahil si Diosa ang kasama ko. Actually siya ang hinihintay ko ngayon. What's with you?"

"Ah-ah.. Nevermind!" iniringan ko nalang siya at patuloy nakong pumasok sa campus.

"Dani! Wait!" napahinto ako sa paglalakad dahil sa may humawak sa braso ko.

"Ano nanaman yun!?"

"Kung gusto mo, sabay na tayo mag lunch."

"Ha! Neknek mo!" hinila ko na ulit yung braso ko mula sa kaniya at naglakad na ulit. Bwisit na lalakeng yun ang daming palusot yayain rin pala ako. Nakakabadtrip na talaga diya! As in super duper!

Pagkatapos kong mag enroll ay dumeretso ako sa pinakamalapit na fast food chain at dun ako kumain.

Nasan kaya si Austin? Ay ewan ko sa kaniya bahala siya.

"Hi Dani!" punyeta. Umangat ako ng tingin at shempre si Brylle nasa harapan ko at shempre makapal ang muka umupo narin.

"Anung ginagawa mo dito?"

"Sasabay ako sayo."

"Makapal talaga muka mo eh noh? Ayoko nga ng may kasabay!" iniringa ko siya at nagpatuloy na sa pag kain ko.

"Isipin mo nalang wala kang kasabay." argh!

"Kainin mo to." binigay ko sa kaniya yung mash potato hindi kasi ako nakain nun eh. Ewan ko ba kung bakit kasama sa meal ko yun.

"Ahmm.."

"Dali na! Hindi ako nakain neto kaya ikaw na kumain." inilapag ko sa harapan niya at kinain niya naman yun paunti unti. Iniringan ko nalang ulit siya. Pagkatapos kong kumain ay nauna nakong lumabas at naghintay ng taxi ng bigla siyang humarang sa dadaanan ko.

"Bakit nanaman?!"

"Chill ka lang gusto sana kitang ihatid sa inyo."

"Ayoko." dumaan ako sa gilid niya pero humarang parin siya. "Ano bayun!?"

"Please?"

"Ayoko nga eh!"

"Hindi na kita kukulitin! Last na toh!"

"Siguraduhin mo lang ah!"

"I promise!" sumakay ako sa kotse niya at hinayaan ko siyang ihatid ako.

"Ilan taon kana?" tanong niya habang nag mamaneho siya.

"5."

"Weh?"

"18."

"Anung favorite mong color?"

"Pink."

"Favorite food?"

"Basta pagkain."

"Favorite music."

"Lahat."

"Favorite artist?"

"Wala."

"Singer?"

"Wala."

"Book?"

"Bible."

"Favorite--"

"Ngayun lang ako nakakita ng walking slambook! Ang dami mong tanong ah! Pwede? Magmaneho kanalang diyan pag tayo na disgrasya isusumpa kita forever."

"Yes Boss." iniringan ko nalang siya at tumingin ako sa daan.

"Bakit ang sungit mo sakin?"

"Mag drive kana ngalang sabi jan eh!"

"Yes Boss."

***

Bumaba nako ng sasakyan at dumeretsong pasok na ko sa loob ng bahay hindi nako lumingon. Nakakbadtrip kasi siya eh. Arghh.

Napahinto ako sa harapan ng ref ng may makita akong note dun.

Sa park

- Austin

Ha? Sa park? Anung meron? Pupunta ako dun? or shineshare niya lang na nasa park siya? Ay ewan bahala nga siya. May pa note note pang nalalaman uso naman ang text.

"Lately I've been--" sa gulat ko agad kong nasagot yung phone. Bwisit hindi na nag text tumawag na agad.

"Hello?"

"Pumunta ka sa park." boom panes in-end call na agad. Agad akong pumunta sa park. Park siguro ng village na toh.

Nagpalit ako ng tshirt pago ako pumunta ng park. So ang balak niyang paghanapin ako? Ganun? Wala pa naman akong load. Saan ko siya hahanapin? Ays.

Lakad lang ako ng lakad hanggang sa mahagip ko yung mga street foods OMG. Habang papalapit ako dun namataan ko si Austin na may kasamang..

O.O

***

TWHGM - 12:15am - 9/16/14

We Got MarriedWhere stories live. Discover now